Chapter Twenty-Four

1.4K 36 0
                                    

Chapter Twenty-Four
  • Changes

Alex's Point of view

"Okay ka lang!? Sabi ni Dark nag-away daw kayo nung boss niyo at nawalan ka ng malay dahil sinuntok ka niya!!" Sigaw ni Sherley.

Niyakap niya ako ng sobrang higpit. Wait, di ako makahinga!!

"Kaya dinala ka ni Dark sa apartment niya"  sabi ni Sherley at lumayo na.

Haay, buti naman.

Teka, ano bang pinagsasabi ni Dark kay Sherley!!?

Tinignan ako ni Sherley at biglang ngumisi.

"May nangyare ba sa inyo ah?" sabi niya habang nakangisi.

Baliw talaga tong bestfriend ko.

Di ko nalang pinansin dahil wala namang nangyare samin ni Dark.

"Halika na" sabi ko at kiladkad siya.

Masaya ako ngayon dahil makakafocus na ako sa exam next week.

Syempre, si Khevin yung last target ko for this month at dahil natapos ko na si Khevin, wala na akong problema.

Napatigil naman ako nang mapansin kong napatigil siya.

Nasa harap na kami ng classroom niya pero mukhang ayaw niyang pumasok sa klase niya.

"Okay ka lang?" tanong ko at nilapitan siya.

Napayuko siya at pinunasan ang pisngi niya. Umiyak siya?

"Wala, ayoko lang pumasok sa klaseng yan, id-drop ko nalang" sabi niya.

Nanlaki naman ang mata ko. Bakit niya ito ila-laglag!?

"Bakit? Diba favorite subject mo toh?" tanong ko.

Pinunasan niya ulit ang pisngi niya kaya inangat ko ang baba niya para makatingin sakin.

Ayokong naglilihim siya sakin.

"Kasi..."

"Naaalala ko si Khevin. Kaklase ko siya sa subject na yan" sabi niya at yumuko ulit.

Bigla naman akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib at tinamaan ako ng guilt.

I knew she would cry like this. Ganito pala yung sinasabi nilang, Be careful on what you wish for. You might just get it.

I really wished na si Khevin ang target ko nang mapatay ko siya pero ngayon, ngayon nakuha ko na, binigay na sakin, pinagsisisihan ko ang paghiling nun.

Di ko yata kayang ganito ang bestfriend ko.

Maybe at the very least, icocomfort ko siya at tutulungang makamove on.

Since ako naman ang may sala.

Niyakap ko siya at pinatahan.

"Sige, sa garden nalang muna tayo" sabi ko pero umiling siya.

"Gusto kong sa dorm nalang. I want to be alone" sabi niya.

Tumango ako. She does need a time alone para makapag-isip.

Hinatid ko siya sa dorm at iniwan siya dun.

Papunta na sana ako sa klase ko nang mapadaan ako sa main building.

May nakita akong pamilyar na pigura dun sa may daan papuntang Stygian Field.

Teka, sino?

Sinundan ko.

Demon Assassin [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon