Chapter Sixty-Two

923 20 0
                                    

Omg! Ang tagal ko na palang hindi nakaka-update. I was busy dahil nagfinal exam kami and nagintrams din kami. Sorry :-(

Chapter Sixty-Two
  • Symptom

Alex's point of view

Fck!! Naguguluhan na ako!!

"Demon, save Joao, please"

Tinignan ko si Dark at bahagya siyang ngumiti sakin, trying to smile happily, but failing big time.

Lumapit ako sa cylindrical glass na kinalalagyan niya.

"Dark, babalikan kita, okay!? Please, hintayin mo ko."

Halos maiyak na ako habang nakahawak sa cylindrical glass.

Bigla naman siyang gumalaw kaya pinanood ko siya.

Tinaas niya ang kamay niya at humawak sa glass, pinagpantay niya ang kamay naming dalawa.

Shit! Naiiyak ako!!

"You can go, Demon. I'll always wait for you."

Ngumiti nanaman siya ng mapait.

Pinigilan ko nalang ang sarili kong umiyak at tumakbo na palabas.

"Black? Can you hear me? Can you speak? Where are you?"

Tumatakbo na ako paalis ng lab building at palihim na pumunta sa main building, wala naman akong nakasalubong na kahit na sino.

Kaya mabilis akong nakarating doon at nakita ko si Ella na naghihintay sakin.

"Where's Ciess?"

Umakyat na ako sa sanga para makapunta sakanya.

"Nakaalis na siya, kasama niya si King" rinig kong sagot niya sa earpiece.

Buti naman. All we have to do is to save Black and of course, Sherley.

Napayuko naman ako nang tumuro sa baba si Ella. Sherley and Black.

Nakaakbay si Sherley kay Black habang nakahawak naman si Black sa kanyang binti at pansin ko ang pagngiwi niya kahit na malayo at nakamask siya. Fck!

Tatalon na sana ako sa ibabang sanga nang pigilan ako ni Ella kaya naman napalingon ako sakanya habang nakakunot ang noo.

"Mahuhuli ka nila" sabi niya.

Marahas kong binawi ang braso ko, "then should I let him die just because mahuhuli nila ako!?"

"I don't want you to protect me, Ella. I want you to help me" sabi ko at tuluyan nang tumalon sa ibabang sanga.

Pero nagulat naman ako nang tumalon rin siya kahit na hirap na hirap siya kanina sa pag-akyat.

"They won't kill him," hinawakan niya ang braso ko kaya napalingon ako sakanya, "what we need is a flawless plan, Alex. In order to save them all."

Tinitigan niya ako and her eyes are convincing me, pushing me to believ her and go with her plan.

"But---"

"Demon, I think Ella is right. Alis na kayo jan. King needs treatment" rinig kong sabi ni Royal mula sa earpiece at alam kong labag yun sa sarili niya ang pagsabi nun.

Kahit ako, ayoko mang aminin pero mukhang kailangan nga muna naming iwan na muna si Sherley at Black dito. Pati si Dark.

"Alex" tawag sakin ni Ella.

Demon Assassin [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon