Chapter Thirty-One

1.2K 24 1
                                    

Chapter Thirty-One
  • Bullets' numbers

Alex's Point of view

Lumabas ako ng dorm at naghanap.

Kanina pa ikot ng ikot ng school pero wala talaga. Kaya naisipan kong puntahan si Ella.

"Oh, Alex" bati niya sakin.

Kinukusot pa niya ang mata niya. Kakagising niya lang siguro.

"Sherley's missing. Nakita mo ba siya?" tanong ko.

Napatigil siya sa pagkusot at lumaki ang mata niya.

"What!? She's missing!? Kanina, kasama ko siyang umuwi dito sa dorm" sabi niya.

Can't blame her. Siguro napamahal na siya kay Sherley since hindi naman mahirap mahalin si Sherley.

"Tignan mo nalang sa kwarto niyo, baka dumating na. Pag wala pa siya dun, puntahan mo ako. Tutulong ako sa paghahanap" sabi niya.

Tumango nalang ako at tumakbo pabalik sa dorm.

Nakaginhawa ako nang makita kong nakahiga na sa kama si Sherley.

Lumapit ako sakanya.

Hinawakan ko ang kamay niya nang bigla siyang bumangon.

"AAAAAAHHHH!!"

Agad kong hinawakan ng mahigpit ang kamay niya.

Dahil dun, napalingon siya sakin.

Niyakap niya ako at umiyak siya ng umiyak.

"Alex, s-si King. Napatay ko si King" sabi niya at umiyak ulit siya.

"Bangungot lang yun, Sherley. Wag kang mag-alala, gising ka na" sabi ko.

Mas humigpit ang yakap niya sakin at umiyak ulit siya.

Nang medyo okay na siya, pumasok na ako sa CR at inalis ang lense ko.

Nakapatay na rin ang ilaw sa loob kaya di niya makikita ang kulay ng mata ko.

"Matulog ka na, Sherley" sabi ko.

Nakaupo siya sa kamay niya habang nakayakap sa tuhod niya.

Nakatitig lang siya sa kumot niya at malalim yata ang iniisip.

"Sherley, matulog ka na" ulit ko.

Napalingon siya sakin. Umiyak nanaman siya.

"It felt so real, Alex. I killed King" sabi niya.

Lumapit na ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya saka siya niyakap.

"It's just a dream, okay?" sabi ko.

Paulit-ulit ko iyong sinasabi sakanya hanggang sa nakatulog siya sakin.

Natulog na din ako.

Nang magising ako ay naligo na ako at sinuot ang lenses ko at lumabas.

"Okay ka lang?" tanong ko nang makita ko si Sherley na kakagising lang.

Tumango siya.

Bigla namang nagring ang phone ko. Kaya sinagot ko yun.

"Hello?"

"Hello, Ma'am. Cellphone po ito ni Mr. King Conte. He's currently in the Phroax's Hospital right now. Kayo po ang una sa recent calls niya kaya tinawagan po namin kayo"

Demon Assassin [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon