Chapter Seven

2.6K 56 1
                                    

Chapter Seven
  • Lance Montenegro


Sherley’s Point of view

Hindi ko alam pero parang ang weird ni Alex ngayon.

Magwa-one week na mula nung mapagusapan namin yung planong pagpapakabait.

Hindi ko nga alam kung tuloy pa yun eh.

Parang tuluyan na siyang naging mabait eh.

Tapos palagi siyang seryoso kapag tinuturuan niya ako ng basketball.

Medyo improving naman daw ako sabi ni Sir.

Palagi pa niyang kasama sa pagbabasketball yung barkada ni Andy.

Nandito kami ngayon sa garden.

Si Alex?

Ayun, nakatitig dun sa folder at habang binabasa niya yun, kamot siya ng kamot sa ulo tapos guguluhin nanaman niya yung buhok niya.

Lagi niyang binabasa yung folder na yun.

“Uhm, Alex, anong folder yan? Pansin ko palagi mong hawak yan. May presentation ba kayo?” tanong ko sakanya.

Umupo siya ng maayos at parang nataranta.

Di rin siya makatingin sa mata ko.

“Uhh, wala. Ito ang pinag-gagawa namin ng mga kasali ko sa gropo. Hindi ko inaakala na hindi na pala pwedeng magback-out hehehe” sabi niya.

Nabasa ko naman sakanya na nagsasabi siya ng totoo pero parang may kulang sa mga sinabi niya.

“May practice ba tayo? At saka, tuloy pa ba yung plano natin kay Khevin?” tanong ko sakanya.

Nag-isip muna siya at tiningnan ang phone niya.

“Wala tayong practice ngayon. May gagawin ako eh at saka yung kay Khevin, eh diba sinisimulan na natin? Nagiging mabait na tayo” sabi niya.

Satisfied na ako sa sagot niya pero parang hindi ako mapakali.

Mukha yatang napansin niya.

“Look, Sherley. Everything’s fine at saka yung mga bagay na ginagagwa ko? Para yun sayo. Gusto kitang protektahan”

Ok na ako dun kaya naglakad nalang kami papuntang dorm namim.

Pagkadating namin eh tinapon niya yung folder niya dun sa kama niya at lumapit sa desk niya para gamitin ang laptop niya.

Super duper curious talaga ako sa folder na yun kaya tiningnan ko yung folder.

Nakita ko ang picture nung kaibigan ni Andy. Binasa ko naman yung nakasulat.

Test:
Name: Lance Montenegro
Deadline: October 03 (Wednesday)

Nagulat ako at the same time nagtaka.

Anong meron kay Lance?

Pero di ko nalang pinansin at binalik ko kaagad yung folder dun sa kama niya.

Teka, October 03, sa Wednesday, ehh Monday pa lang ngayon.

Anong meron sa October 03?

Naguguluhan parin ako kung anong meron dun kaya hindi ako makatulog.

Pumunta ako sa terrace ng room namin at umupo.

Si Alex naman, nag-CR para magpalit ng pajamas niya.

Pinapakiramdaman ko lang yung hangin hanggang sa maramdaman kong nakalabas na si Alex at natulog.

Napalingon ako kay Alex.

Demon Assassin [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon