Chapter Fourteen

1.9K 40 1
                                    

Chapter Fourteen
  • Shone Edison



Alex’s Point of view

Pinakilala nila sakin ang papa nila.

Nagmana talaga sila sa papa nila.

Tawa lang kami ng tawa nun.

Naeexcite nga ako na makita ang stepmom nila which is my future steptita.

Syempre!! Kahit hindi ko naman siya close, tita ko na siya kasi mama na sila ni Sherley at Shella.

Idagdag mo pang kamukha ko daw siya.

Siguro, maganda yun. Kasi nga kamukha ko daw. Haha.

Pero nawala yung excitement ko.

Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa nang ipakilala na ni Tito ang asawa niya.

Ang asawa niya, ang bagong ina nina Sherley at Shella, ang steptita ko, ang ina ko.

“This is Alexandra Revania Mendoza, your stepmom”

Nawala ako sa mood.

Binati nila siya.

Hindi ako bumati.

Umurong yung dila ko eh.

Galit ako sakanya dahil iniwan niya kami para sa kapakanan niya.

Nagpunta siya sa amerika para maghanap ng bagong asawa?

Sabihin niyo nga, di ba dapat akong magalit sakanya?

Nakatitig lang ako sakanya.

Ganun rin siya sakin.

Siguro nagulat siya kasi nakita niya ulit ako.

Nararamdaman ko na ang pamumuo ng mga luha sa gilid ng mata ko, kating-kati nang bumuhos.

“Mama.”

Yun lang ang nakayanan kong bigkasin.

Natahimik silang lahat. Di pa siguro nagsisink in sa utak nila.

“Alex, anak” sabi ni mama.

Parang biglang sinaksak ang puso ko nang bigkasin niya ang pangalan ko.

“Uhm, guys. Alis na ako. Wala na ako sa mood” sabi ko.

Tumayo ako. Narinig ko si Mama na sinisigaw ang pangalan ko.

Pero hindi ako lumingon.

Nilapitan ko si Dark.

“Dark, samahan mo ako” sabi ko kay Dark pero hindi niya man lang ako nilingon.

“Naglalaro ako. Punta ka na dun sa pupuntahan mo” sabi niya.

Kinuha ko ang folder ni Tricia at ang mask ko.

Lumabas na ako. Wala ako sa mood mamilit.

Subukan niya lang na kausapin ako, papatayin ko siya.

Akala ko pa naman gusto ako nung Dark na yun. Tsk tsk.

Buti nalang di ako nagpadala sa nararamdaman niya.

Agad akong naglakad palabas ng gate.

Suspended ang klase ngayong araw na toh dahil dun sa paghahanap nila.

Natutulog si manong guard kaya madali akong nakalabas.

Pinunasan ko ang luhang nakalabas sa mata ko.

Demon Assassin [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon