Chapter Forty-Seven

966 20 0
                                    

Chapter Forty-Seven
  • Pride



Alex's Point of view

Hinintay ko na munang matapos yung dalawa bago ako lumabas.

Habang pabalik sa table namin ay sinundan ko ng tingin yung babae. Umupo siya dun sa table kung saan may lalakeng naghihintay sakanya.

Kahit nakatalikod ay alam kong siya yun. Tss.

Nang makaupo ako ay kitang-kita ko kung paano ngumiti yung babae kay Dark. Tumatawa siya habang mahinang hinahampas si Dark sa kamay.

"Oh? Anong nangyayare sa mata mo? Ba't nanlilisik?" tanong sakin ni Sherley.

Kaya agad kong iniwas ang tingin ko dun sa dalawa.

"Wala" sabi ko at kumuha ng baso at ininom kung ano man ang laman nun.

Gulat naman silang napatingin sakin. What? Did I drink something bad?

"I didn't know. Umiinom ka na pala ng walang cream na kape ngayon" sabi ni Mama.

Sht! I drank a black coffee. Ngayon ko lang naramdaman yung pait at....
.
.
.
.
.
.
.
.
.
ANG INIT!!!!

Agad akong kumuha ng baso at talagang tinignan ko kung tubig ba yun. Baka iba nanaman ang mainom ko.

Nang mainom ko na yung tubig ay medyo okay na ako.

"Okay ka lang ba? Kanina ka pa wala sa sarili" sabi ni Dad.

Ngumiti lang ako.

"Okay lang ako" sabi ko.

Nagpatuloy lang sila habang ako ay bumalik ang tingin dun sa dalawang naglalanadian. Nakakainis yung babae.

Napaka-pabebe niya. Bakit ganun siya makatawa? Nakakairitang pakinggan.

Tumayo silang dalawa kaya agad kong tinignan ang pagkain sa harap ko.

Nang tignan ko sila ulit ay naglakad na sila palabas.

"Ma, mauna na muna ako. Masama ang pakiramdam ko. Don't worry. Magpapahinga lang ako sa bahay" sabi ko.

Hindi ko na hinintay ang approvement nila ni Dad at naglakad na ako palabas para sundan yung dalawa.

Nakita kong pumasok sila sa kotse ni Dark sa di kalayuan. Naglakad ako papalapit dun.

Nakatago ako ngayon sa poste habang sinisilip sila.

Mabilis akong umiwas at napasandal bigla sa poste. Hindi ko alam.

Nanghihina ako dahil sa nakita ko.

They were intensely kissing each other. Yung tipong pag nakita mo, iisipin mong sa kama na ang uwi nila.

Naramdaman ko bigla ang pag-iinit ng pisngi ko at nagiging watery narin ang vision ko.

What the heck!?

Pinigilan ko agad ang luha ko by blinking. That watery vision stepped on my pride. Umalis na ako dun at umuwi.

Galit ako? Oo, galit na galit. Galit ako dahil naapakan ang pride ko.

I let my guard down kaya ayan may nakaapak ng pride ko. I'm not mad because of what he did.

Yes, hindi ako galit nang dahil lang dun. Galit ako dahil naapakan ang pride ko.

Sa ngayon, pride nalang ang meron ako.

Nang makalabas ako mula sa CR ay narinig ko ang single ring ng phone ko.

Kinuha ko muna ang twalya at pinatuyo ang buhok ko saka kinuha ang phone ko.

Demon Assassin [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon