Chapter Fifteen

1.9K 37 1
                                    

Chapter Fifteen
  • Alexa

Alexa’s Point of view

Busy ako sa pag-asikaso sa mga papeles na dapat trabahuin.

Actually, di ko naman toh trabaho pero dahil patay na si Tricia, at dahil ako ang vice-pres, sakin lahat nahulog ang mga trabaho niya.

Kakatapos ko lang ireview yung mga isa-submit naming report nang biglang may pumasok sa kwarto kong dalawang babae at may dala silang laptop.

“Alexa, right?” tanong ni Sherley.

Tumango ako.

“Papatayin ko talaga si Alex. How could she hide you from me!?” sabi niya sa sarili niya.

“Uhm, gusto kang kausapin ng mama mo” sabi ni Shella.

I know them, of course.

Napakunot-noo naman ako sa sinabi nila.

Mama ko?

As far as I can remember, matagal na kaming iniwan ni Mama.

Hinarap nila sakin ang laptop na dala nila at nakita ko dun ang mukha ng taong matagal kong hinanap, ng taong umiwan samin, ni Mama.

“Mama,” sabi ko at naramdaman kong lalabas na ang mga luha sa mga mata ko.

Pinunasan ko iyon kahit hindi pa nakakalabas.

“Alexa, anak” sabi niya at mangiyak-iyak din dahil sa tuwa.

“I’m sorry. I’m sorry, kung iniwan ko kayo sa tatay niyo. Sana mapatawad mo ako, anak” sabi niya.

Matagal ko nang napatawad si Mama dahil nakapagpaliwanag na siya sakin noon pa man, na sinubukan niyang bumalik pero pinagbawalan siya ni Papa.

Umiling ako.

“Okay lang ako, Ma” sabi ko at pinunasan ang mata ko.

“You should explain to Alex. Hindi niya alam ang ginawa ni Papa kaya siya ang mas nasaktan sa pag-alis mo” sabi ko.

Nakahawak siya sa bibig niya habang bumubuhos na ang luha niya at tumatango-tango siya.

Nakayakap naman sakanya ang isang lalake na sa tingin ko ay tatay ni Sherley dahil kamukha nila siya.

“Alexa, please help me. Baka ayaw niya akong pakinggan” sabi niya habang pinupunasan niya ang mga luha niya.

Tumango ako.

Pumunta kami sa kwarto nila para hinatayin si Alex.

“Who is this?” tanong ko nang makita ko ang isang lalakeng naglalaro sa laptop ni Alex.

Siya yung new student. Nakita ko yung profile niya sa mga suggested na maging vice-pres.

“Ah, si Dark. Kaibigan ni Alex” sagot naman ni Sherley.

Ito namang Dark ay parang walang pake.

“Uh, Alexa, sige, bibili lang kami ni Shella ng makakain” sabi ni Sherley.

Tinanguan ko nalang siya.

“Alis na ako” sabi naman nung Dark at lumabas na.

Humarap na ako sa laptop ni Sherley.

“Ma, kamusta ka na?” tanong ko kay Mama.

Tinaas niya ang kanyang kanang kamay at nakita ko ang isang singsing sa kanyang ring finger.

“I’m married” sabi niya.

Ngumiti ako.

Masaya ako para sakanya pero di ko parin maiwasang isiping ipinagpalit na niya si Papa.

“Sobrang tagal akong nagmukmok dahil sa paglayo ko sainyo. And your Tito Srim helped me” sabi niya.

Pare-pareho lang kaming nasaktan sa nangyare.

“Mama, kapag kausap niyo na si Alex, wag po kayong matakot na sabihin sakanya lahat ng sinabi mo sakin noon” sabi ko.

Tumango naman siya.

Nagkamustahan lang kami ni Mama.

Umalis siya dahil sa panganib na humahabol kay Papa at kay Alex.

Pagkatapos ng isang linggo, nakita kong bumalik siya at kinausap siya ni Papa.

Pagkatapos nung araw na yun, di na bumalik si Mama.

Hanggang sa lumipas ang dalawang buwan, pinuntahan niya ako sa school at kinausap.

Galit na galit ako sakanya noon pero pinaliwanag niya sakin lahat.

Pinagsabihan siya ni Papa na huwag na daw siya babalik dahil mas masasaktan lang daw si Alex.

Pero mula nun, lagi daw niya kaming binabantayan.

Hanggang sa makasiguro siyang okay na kami sa piling ni Papa at umalis siya ng bansa.

At dun narin nabulag si Papa.

“She’s here!!”

Napalingon ako kay Shella na nakadungaw ang ulo sa pinto.

“Ma, nandito na siya” sabi ko.

Huminga ng malalim si Mama bago tumango.

Pumasok na si Shella at Sherley kasama si Alex.

Nakikita ko sa mga mata ni Alex ang totoong kulay ng mata niya kahit nakasuot siya ng contact lenses.

Ganyan siya kapag galit. Umaapaw ang kulay ng mata niya kaya nagiging useless ang contact lenses niya.

Unordinary talaga ang mga mata niya.

Maraming naghahanap sakanya, until now.

Pero meron ring gustong protektahan siya mula sa mga naghahabol sa kanya.

Kaso hindi namin alam kung sino ang pumoprotekta at kung sino ang kalaban.

Kaya mas pinili naming itago nalang ang mata niya.

“Why is she here?” tanong ni Alex habang nakaturo sakin.

Tumayo ako at lumapit sakanya.

I know, she still have a sisterly love for me.

Hinawakan ko ang kamay niya.

“Please, Alex. Kausapin mo si Mama” sabi ko.

Inalis niya ang kamay ko sa pagkakahawak nito sa kamay niya.

“For what? Para maniwala sa mga kasinungalingan niya? Alexa naman!! Alam mo naman kung bakit tayo iniwan!!” sigaw niya.

Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya at tiningnan siya sa mata.

“OO!!! ALAM KO KUNG BAKIT!!! YUN AY DAHIL KAY PAPA!!!” sigaw ko sakanya.

Nagulat siya sa sinabi ko.

“Kaya please, pumayag ka nang kausapin siya” sabi ko.

Pinunasan niya ang pisngi niya at umiwas ng tingin.

“K, fine” sabi niya.

Agad na inabot sakin ni Sherley ang laptop niya. Binigay ko yun kay Alex.

Nilagay niya yun sa desk niya at umupo sa swivel chair niya.

Umupo lang kaming tatlo sa kama.

“Hindi ko alam na kapatid ka pala ni Alex” sabi sakin ni Sherley.

Nginitian ko naman siya.

“Kapag na-aalala niya ako, na-aalala rin niya si Papa kaya niya siguro tinago sayo” sabi ko habang nakatingin parin kay Alex.

“Kaya pala hindi ka na nagsumbong nung binully ka namin” sabi niya.

Tumango nalang ako.




_bitchellqueen☠

Demon Assassin [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon