Chapter Eight

2.3K 45 2
                                    

Chapter Eight

  • Mr. Mendoza


Sherley’s Point of view

Pagkatapos nung pagkamatay ni Lance eh bumalik yung dating si Alex pero still may mystery parin.

But I shrugged it off.

“Mukhang napaniwala na lahat ng student dito na mabait na tayo noh?” tanong ko kay Alex.

Nandito kaming dalawa sa garden. As always.

“Mukhang magtatagumpay tong plano natin” sagot niya na parang nagmamalaki kaya binatukan ko, namiss ko toh XD

“Wag kang pakasiguro jan!! Malay mo may mangyare, di tayo matuloy!!” napatingin naman siya sakin habang nakatingin ako sa mga flowers.

“Basta!! Magtatagumpay tayo!! Nga pala, sure ako sa time na toh, tapos na ang mga seniors na gamitin ang basketball court kaya tara na!! Sa isang araw na ang practical exam niyo sa PE”

Naglakad na kami papuntang court.

Medyo okay na rin ako kasi kahit papaano, bumalik na ang dating Alex at hindi narin siya ganun kaseryoso sa pagtuturo sakin.

Nakita kong nandun ang barkada ni Andy at nakatingin sila kay Alex.

Sabay sabing, “HOY!!!”

Medyo nagalit si Alex.

Ayaw niya kasing hinohoy siya.

May pangalan daw kasi siya.

“Umalis na kayo jan, magpa-practice pa kami ng kaibigan ko!!” sigaw ni Alex.

Parang hindi nila narinig si Alex at nilapitan siya ni Andy.

Nasa likod naman niya yung iba pa niyang kasamahan habang ako, medyo malayo rin ako kay Alex.

Napa-awang ang bibig ko nang biglang suntukin ni Andy si Alex sa mukha!!

Pati yung mga kasamahan ni Andy ay nagulat.

Hindi pa ako nakakarecover sa pagsuntok ni Andy kay Alex nang magulat ako ulit dahil gumanti ng suntok si Alex, uppercut.

Natauhan lang kami nang sipain ni Alex si Andy sa dibdib kaya napahiga ito sa sahig.

Lahat kami tumakbo papalapit sakanila.

Hinawakan nila si Andy at pinigilan.

“IKAW ANG PUMATAY KAY LANCE!!!” sigaw ni Andy.

Pinigilan ko rin si Alex pero masyado siyang malakas kaya nakawala siya.

Agad niyang sinuntok sa mukha si Andy.

Tumakbo ako at hinawakan ang braso ni Alex.

Nakawala lang ulit siya.

Tutulungan sana ako nung isang kasamahan ni Andy nang binantaan siya ni Alex ng tingin.

Kaya ayun, natakot.

“Ilayo niyo na siya pwede!!!??” sigaw ko.

Kaya agad nilang hinila si Andy palabas ng court.

Pinaharap ko naman si Alex.

“You’re being aggressive” sabi ko.

Kapag may nagbibintang sakanya, binabalewala niya lang iyon dahil alam niyang hindi totoo pero iba yung ngayon.

Demon Assassin [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon