Chapter Thirty-Three

1.1K 21 5
                                    

Chapter Thirty-Three
  • The Three's Gunman



Alex's Point of view

Nagbihis na ako accordingly.

Wala naman dito si Sherley baka nauna nang pumasok kaya malaya akong makakagalaw.

Naglakad na ako palabas.

Palabas na rin sana ako ng gate nang bigla akong harangan nung guard.

"Pasensya ka na, bata. Pero pinagbawal ng principal na lumabas ang mga bata mula ngayon hanggang matapos ang exam" sabi niya.

"Kailangan kong kausapin ang magulang ko" sabi ko.

"Kahit magulang pa ang nagpatawag" sabi niya.

Naglakad na ako palayo. Kainis!!

Ano bang klaseng rule yan!? Bakit ngayon pa!?

Ahh, oo nga pala. Sa isang araw na ang exam. Kaya pala.

They really make sure na focus ang students sa pags-study. Pero wala akong oras para dun!!

Ang kailangan ko lang ay ang makalabas dito!!

Naglakad ako papunta sa cafeteria nang madaanan ko ang daan papuntang Stygian Field.

Oh, right!!

Agad akong tumakbo papunta dun.

Teka, pano pag naligaw ako!? Anong gagawin ko? Aish! Wag kang nega, Alex!!

Pumasok na ako sa gubat at talagang sinigurado kong straight ang lakad ko at hinding-hindi ako liliko.

Di nagtagal, nakaramdam ako ng lamig. At agos ng tubig?

Diretso lang ako sa paglalakad hanggang sa matanaw ko ang isang ilog.

Waahh!! Meron palang ilog dito? Ganda ah!! Teka, hindi kaya dito yung minimean nung gun man?

Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko ang isang warehouse.

Dito nga!!

Naglakad ako papunta sa warehouse na yun.

It looks really old.

At saka malansa ang amoy.

Amoy mga isda na basta. Ang sakit sa ilong.

Sinuot ko agad ang mask ko para narin hindi maamoy itong mabahong amoy na toh.

"I'm glad you could make it" boses ng lalake ang narinig ko.

Teka, is this a trap?

Agad kong kinuha ang phone ko at tinawagan si Dark.

Hindi ako nagsalita, hinawakan ko lang yun.

"How brave of you to come here alone" sabi pa niya na sigurado akong dinig ni Dark at King kung magkasama man sila ngayon.

"O baka naman..."

Nakarinig ako ng mga drum na parang pinagsisipa.

At di nagtagal, nakakita ako ng mga drum na nagroroll papalapit sakin. Agad akong tumabi.

"You're making a trap inside a trap" sabi pa niya.

Inikot ko ang paningin ko para hanapin ang kung sino mang nagsasalita.

"Come out, coward!!" sigaw ko.

Silence filled the room hanggang sa nakakatindig balahibo na tawa ang pumuno sa buong warehouse.

Demon Assassin [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon