Chapter Four

3.6K 74 1
                                    

Chapter Four
  • 3rd Day


Sherley’s Point of view

Hindi ko naisip na ganito pala kadali ang trabaho namin ni Alex. (Trabaho kunno)

Inalok ni Alex si Andy para magjogging sa field. Kaya I sneak in his room sa boys’ dorm.

----Andy’s Room

Hmmm… Roommate pala sila ni Khevin.

Eh kung simulan ko kaya yung round 1 ni Khevin?

Wag nalang baka mafail pa tong kay Andy.

Nilagyan ko ng sampong ipis, sampong daga at sampong earth worms ang bag ni Andy.

Siguro hindi niya yun mararamdaman na mabigat yung bag niya kasi akala niya yun ang mga books niya.

Nag-iwan ako ng sulat sa loob ng bag ni Andy at bumalik na sa dorm.

Alex’s Point of view

Pagkatapos namin magjogging eh bumalik na kami sa kanya- kanyang dorm.

“Nalagyan mo na?” tanong ko kay Sherley nang makapasok ako ng kwarto namin.

“Oo naman!! Ako pa!! At saka alam mo ba, roommate sila ni Khevin!!” Tiningnan ko siya, hhmm.

“Sinimulan mo ba yung kanya?” tanong ko habang nagpapahangin sa bintana.

Umiling siya.

“Eh ba’t hindi mo sinimulan yung round 1 niya??” tanong ko sakanya at umupo sa kama ko para hubarin ang sapatos ko.

“Hindi ko sinimulan. Baka kasi mafail yung round 2 ni Andy” sagot niya. Huh? Paanong maf-fail?

“Huh? In what way yun mafe-fail?” tanong ko sakanya habang nakakunot noo.

“Eh baka pag naramdaman niya na biglang bumigat yung bag niya, tapos bubuksan niya then lalabas yung mga ipis."

"At hindi naman siya tanga para hindi marealize na roommate sila ni Andy na binubully natin kaya baka meron din siyang ganun sa bag kaya sasabihan niya si Andy, kaya ayun!! Mafe-fail."

" Pero buti nalang hindi ko sinimulan yung round 1 ni Khevin” paliwanag niya.

Hmmm. Tama siya. Haay naku!! Sobrang talino talaga ng crush ko!!

Kaya naman napatango-tango nalang ako.

Nagbihis na kami ni Sherley at pumasok na sa English 03.

Umupo ako sa tabi ni Sherley.

Binantaan ko pa nga yung katabi niya para umalis dun eh at palit kami ng upuan!!

“Bubuksan na niya oh!!”

Pagkasabi nun ni Sherley eh tinigilan ko ang sinusulat ko at tumingin kay Andy.

Demon Assassin [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon