Chaptet Twenty

1.6K 39 4
                                    

Chapter Twenty
  Chloe Martinez


Alex's Point of view

Kinuha ko ang panyo sa sling bag ko at agad na tinakpan ang mukha ko.

"Demon!!" sigaw ulit ni Dark.

Agad akong sumulong sa mga taong nakalinya sa isang stand.

Nang tignan ko si Dark, iba na ang hinahabol niya at tinatawag na Demon.

Buti naman.

Agad akong naglakad palabas.

At pumara ng cab.

"Alex?"

Agad akong napalingon sa tumawag sakin.

Shit. Si King.

Agad akong pumasok sa cab na napara ko.

"Kuya, sa city-university po. Pakibilisan po" mabilis kong sabi.

Buti bago pa ako makita ni King sa loob ng cab, lumarga na ito.

Phew! Muntik na yun.

Anong city university?

Well, our school is famously known as city-university or city-un in short.

Masyado kasing mahaba yung name ng school namin, Zeuphropollaresthena University.

At kung napansin niyo, they're greek gods and godesses na pinagsama-sama.

Zeus, Aphrodite, Apollo, Ares, and Athena.

Well, base dun sa nasabi samin nung teacher namin nung first day ko pa sa school, yun daw ang requirements.

Zeus means leadership.

Aphrodite means beauty.

Apollo means talent.

Ares means bravery.

And Athena means brain.

These are the requirements.

"Salamat" sabi ko at binigay na dun sa driver yung bayad at bumaba na.

Binati ako nung guard kaya nginitian ko siya at pumasok na.

"Alex!! Kanina pa kita hinihintay!!" sigaw ni Sherley nang makita niya ako.

Hinawakan niya ang braso ko at hinatak pasuot dun sa maraming tao.

Hanggang sa makapunta kami sa harap at nakita ko na kung bakit nagkukumpulan ang mga tao.

May isang pamilyar na babae ang nakatayo sa harap ng bulletin board ng school.

Parang may hinahanap siyang pangalan sa master's list.

Humarap siya pero hindi samin.

"Sino si Alexandra Ravenia Rochefort??" tanong niya dun na parang nagpapacute.

Nagulat naman ako dahil hinahanap niya ako.

Di ko naman siya kilala.

Lahat ng students ay napatingin sakin pati si Sherley.

Wala nga pala dito si Shella at Alexa.

Baka bumalik na si Shella sa school niya habang si Alexa naman, nasa office niya.

Dahil dun, napalingon sakin yung babaeng papacute. Pweh.

Lumapit siya sakin at ngumiti.

"Hi! I'm Chloe Martinez. Nice to meet you Alexandra--" di ko siya pinatuloy.

Demon Assassin [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon