Suzy's POV
Maaga akong nagising, hindi ko na muna ginising si Eunhye. Naglakad lakad na muna ako sa may dalampasigan para panuorin ang sunrise. Umupo na muna ako sa isang malaking bato.
Natulala ako sa ganda ng lugar, napaka lawak ng karagatan at kumikislap pa dahil sa papasikat na araw. Napangiti naman ako ng unti unting tumataas na ang araw.
"Beautiful, right?" bigla naman akong napalingon sa nagsalita sa tabi ko.
"Kyungsoo" ayun na lang ang nasabi ko, hindi ko kasi alam ang gagawin ko. Nagulat pa nga ako ng tumabi siya sa akin.
"Okay kana ba?" tanong niya sa akin, medyo shock pa nga ako sa tanong niya. Napatungo naman ako.
"I think so, salamat nga pala sa pagsama sa akin dito." yun lang ang nasabi ko. Nakita ko namang tumango siya.
"Wag ka sa akin mag pasalamat, kay Eunnie at sa EXO dahil pinayagan ka nilang sumama." pssh akala ko pa naman bukal sa loob niya ang pagsasama sa akin. Tumingin ito sa akin at parang binabasa nito ang iniisip ko. Lintik ka Kyungsoo wag kang ganan at nagwawala ang puso ko. Napalunok na lang ako.
"N-na starstruck kana naman sa kagandahan ko no." sabi ko na lang para mawala ang awkwardness. Bigla naman itong ngumiti, nakita kona naman ang hugis pusong ngiti nito, wha heavens ang gwapo niya.
"I think okay kana nga" sabi nito at tumayo. "Ikaw ata ang na starstruck sa akin." sabi nito.
Bigla naman akong natauhan sa sinabi niya. " Hoy ang kapal mong kwago ka, ako ma-starstruck sayo? never kitang pag nanasaan kahit ang kissable ng lips mo!!!" bulyaw ko sa kanya. Pero tsaka ko palang narealize ang nasabi ko, ngiting ngiti naman ang hudas.
"Kissable pala ang labi ko ha" ngumisi pa ito at nag simula ng bumalik sa bahay. "Tara na, nakapaghanda na ako ng umagahan. Wag mo na munang kaisipin ang labi ko." agad nag init ang mukha ko kaya alam kong namumula ako.
"Ang kapal talaga ng mukha mo Kyungsoo!!! anlaki pa ng mata mo." sabi ko habang humahabol sa kanya. Atleast ngayon nalilimutan ko na ang dahilan ng kalungkutan ko.
--------------------------------------------
(Itong part na ito ay nasa kwento din ni Sehun, pero POV naman ito ni Suzy)
Hay nakakabored naman... Andito kami ngayon sa sala at kakatapos lang namin mag agahan. Napatingin ako sa paligid at mukhang bored na bored ang lahat, kainis naman oh. Tatayo na sana ako para matulog sa kwarto ng hawakan ako ni Eunhye sa kamay at bigla naman itong nag salita.
"Guy's makinig kayo, magkakaron tayo ng game. So ito matagal ko na talagang plano para sa EXO." sabi ni Eunhye, napatingin naman kaming lahat sa kanya.
"What do you mean Eunnie?" sabi ni Suho.
"Kasi ganito ang naisip ko, lagi ko kasing naririnig na EXO we are one, so ngayon sa game na ito mapapatunayan natin kung syncronize talaga kayo. At iisa nga ba kayo. Dapat pare pareho ang sagot nyo, hindi kayo makakalabas hanggat hindi kayo tumatama"
"Mukhangmaganda yan, so anung mechanics ng game?" tanong ni Chanyeol na abot tenga ang ngiti.
"Hiwa hiwalay kayo ng kwarto, so sakto at 12 ang kwarto dito kaya dun ang bawat isa. May cctv camera naman bawat kwarto kaya dun namin titingnan ang mga sagot nyo, itext na lang namin mga tanong. And lastly, akin na mga sim card nyo."
"Oh paano nyo kami maitetext."
"Handa na kami dyan, bumili ako ng mga bagong simcard para sa inyo. At walang mga load yun, dahil ang mga sagot nyo ay itatapat nyo sa mga cctv. May papel at marker naman dun."
BINABASA MO ANG
You are the One (EXO D.O's Story)
Teen FictionSi Suzy ang masasabi nating bidang kontrabida, siya lang naman lagi ang nagpapainit ng ulo ng ibang girls ng EXO, at hindi pa siya nakontento kasi nilalandi niya pa ang mga members. Not until Do Kyungsoo enter the story, walang paki ito sa mga masas...