Xiumin's POV
Hay sa wakas naging si D.O at Suzy na, sana naman happy ending na sila. Eh ako kaya? kelan ko makikita ang babaeng mamahalin ko? bigla namang pumasok sa isip ko si Yoona. Oo nga pala at kakahiwalay lang non kay Warren, sira ulong lalaki, ipaghihiganti ko si Yoona, ayokong nakikitang malungkot ang babaeng mahalaga sa akin kaya gagawin ko ang lahat para sumaya uli siya.
"Hyung, tulala ka dyan, inggit ka no?" pang aasar sa akin ni Chen.
"Hindi ah, natutuwa lang ako sa kanila."
"Naku kung ako sayo dadamoves na din ako kay Yoona, alam mo bang kung sino yung kasa kasama nya sa oras ng kalungkutan ay yun ang taong minamahal nila." sabi pa nito. Tss mga pauso talaga ni Chen, oras na ikaw ang mainlove tatawanan lang kita.
CHEN's POV
Eto talagang si Xiumin hyung napaka torpe kagaya ni Kyungie, buti na lang ako at walang iniisip na girls.
AUTHOR: Wushu wala daw iniisip, eh paano naman si Haruna? diba type mo siya.
Hala, kay Kai na ang babaeng yun, bakit napunta sa akin?
AUTHOR: Kasi may ibang target si Kai, tss aminin nung unang kita mo kay Haruna sa Airport papuntang Jeju tinamaan ka sa kanya no?
Hala praning ka talaga Miss author, kitang kay Kai nga agad siya tinamaan.
"Eh ano? ikaw naman ang sinasabi ko"
"No comment, baka magalit pa sa akin si Kai." pero sa totoo lang crush ko si Haruna, naunahan lang ako ni Kai, bigyan lang ako ng pagkakataon, dadamoves na ako. Para boompanes troll haha.
SUHO's POV
"Hay nakakainggit naman si D.O, sana ako din may girlfriend na" sabi ko. Bigla namang may umakbay sa akin.
"Ikaw kasi, napaka hina mo, kung umaariba kana kay Shinhye edi dapat kayo na. Konting kembot lang ang kailangan dyan" sabi sa akin ni Chanyeol.
"Galit pa nga sa akin yung tao, paano ako manliligaw?"
"Aba, para paraan lang yan. Bigyan mo ng mga regalo, mayaman ka naman."
"Tss, di naman mahilig sa materyal na bagay yun."
"Edi ibigay mo ang puso mo, Boom" napa iling na lang ako sa sinabi niya.
"Palibhasa may Chorong ka na kaya madali lang sabihin sayo ang mga ganang bagay."
"Diskarte lang ang kailangan Hyung" Sabagay, baka naman di na ganun kalaki ang galit ni Shinhye sa akin, masubukan na nga. Pero kung ako kay Chanyeol hihiwalayan ko si Chorong at yung weird na pinsan na lang ni Suzy ang ligawan nya haha, mas masaya kung si Sandara ang makatuluyan nya para may CHANDARA couple at ako ang #1 fan haha ang corny. Basta Shinhye wait for me.
LAY's POV
"Lay, ikaw kamusta na ang pagdiskarte mo kay Krystal?" tanong sa akin ni Luhan. Napalingon naman ako sa kanya.
"Nakalimutan ko nga yung plano ko kaya nag iisip uli ako." sabay kamot sa ulo.
"Mag memo plus kana dude, baka sa kakaisip mo maunahan kana ng iba."
"Di yan, tiwala lang,"
"Sugurado ka?"
"Sa alin?" napakamot na lang si Luhan, nakalimutan ko kasi yung topic namin nakatingin kasi ako kay Suzy at D.O
"Fre payo ko sayo, magdala ka lagi ng notebook at ballpen, sulat mo lahat ng pinag uusapan natin."
"Sige, paalala mo sa akin mamaya" sa totoo lang kasi, di ko alam kung kailan ako pwedeng manligaw kay Krystal, para kasing di nya kailangan ng lalaki sa buhay niya. Hay chance lang talaga kailangan ko.
BINABASA MO ANG
You are the One (EXO D.O's Story)
Teen FictionSi Suzy ang masasabi nating bidang kontrabida, siya lang naman lagi ang nagpapainit ng ulo ng ibang girls ng EXO, at hindi pa siya nakontento kasi nilalandi niya pa ang mga members. Not until Do Kyungsoo enter the story, walang paki ito sa mga masas...