D.O's POV
Bakit? bakit nya nagawa sa akin yon? lahat ba ng pinakita niya sa akin ay puro pagpapanggap lang? lahat ay kasinungalingan lang. Naloko niya lang ako at ako namang si tanga nagpaloko.
"D.O tahan na" sabi sa akin ni Kris.
"Hyung di ko mapigilan eh, ang sakit sakit dito" sabay turonsa puso ko. "Akala ko minahal nya talaga ako, yun pala isa lang din ako sa mga laruan nya. Akala ko sya na talaga eh, mahal ko na siya hyung mahal na mahal."
"Hindi naman kasi natin makokontrol ang desisyon ni Suzy"
"Pero hyung di ko matanggap na naloko nya ako, akala ko mahal nya din ako. Pero ako lang pala ang nag mahal, siguro karma na lang ito sa pang aapi ko sa kanya dati."
"Tss, mali ka dyan. Sapalagay mo bigla na lang bibitaw si Suzy sayo kung walang matinding dahilan?"
"Anong ibig mong sabihin?"
"Matagal na nating kaklase si Suzy at alam natin na sa kabila ng bitch side nya ay may isa pa syang katauhan na maalaga at mapagmahal. Hindi mo ba naisip na baka may isinakripisyo sya para sayo."
"Paano mo nasabi yan?"
"Mayaman ang pamilya ni Suzy at alam nating kayang gawin ng Daddy niya ang lahat para lang masunod ang plano niya."
"Posibleng tama ka nga ng iniisip, pero nangako sa akin si Suzy na lalaban kaming dalawa."
"So anong balak mo? kakalimutan mo siya?"
"Hindi ko din alam, nahihirapan ako. Mahal na mahal ko siya pero sa ginawa nya sa akin parang puro galit ang nararamdaman ko."
"Bahala ka, basta ako sinabi ko lang ang opinyon ko. Kung ako sayo piliin mo yung alam mong tama, wag laging galit ang pairalin kasi walang idudulot na maganda yon" sabi nito at iniwan na ako sa kwarto ko.
Suzy, ano ba kasing nangyari? bakit bigla mo na lang ako iniwan ng di ko alam kung anong tunay na dahilan. Gusto ko ng sumuko agad pero mahal na mahal talaga kita.
--------------------------------------------
SUZY's POV
"Suzy kain na" sabi sa akin ni Soohyun habang inihain nya sa akin ang tray na may mga pagkain. Wala kasi si Ate Yumi dahil may pinagawa sa kanya si Mommy sa States, if I know ginawa talaga nila yon para wala akong kakuntsaba pag takas.
"Ayoko, iwan mo na lang ako"
"Suzy, hindi matutuwa si Dyo kung makikita ka nyang ganan, mugto na ang mata mo tapos di ka pa nakain." muli na naman akong naiyak pagkarinig ng pangalan ni Kyungsoo.
"Sa tingin ko di na ako mapapansin ni Kyungsoo lalo na sa ginawa ko sa kanya. Sinaktan ko siya Soohyun"
"Ikaw din naman ah nasaktan, kung tutuusin doble pa ang sakit na nararamdaman mo."
"Pero ayoko siyang nakikitang umiiyak at nahihirapan, kaya nga mas pinili kong ako na lang ang masaktan kaysa siya."
"Hindi mo ba naisip na mahal na mahal ka din niya? di mo ba naisip na masasaktan din siya ginawa mong pang iiwan sa kanya? sinabi ko sayo na pag isipan mo muna ang lahat."
"Pero yung career nya ang nakataya dito."
"Alam mo, ang issue dumadaan lang yan, pero ang pag ibig minsan lang yan." napaiyak lalo ako sa sinabi niya.
"Anong gagawin ko ngayon? malamang galit na galit na sa akin si Kyungsoo"
"ssh, tahan na. Hayaan mo gagawa ako ng paraan para matigil ang kasalang ito."
"Paano? aaminin mong alien ka?"
"Sira, basta ako ng bahala. Kung ako sayo mag iisip ako ng paraan para magkaayos kayo ni D.O."
"Bahala na muna, hanggang wala pang kasiguraduhan ang plano mo wala muna akong gagawin, baka lalo lang gumulo ang lahat."
"Ikaw talaga, oh siya kainin mo na to at bukas susukatan na tayo ng pangkasal."
"Hayst, parang nararamdaman ko na tayo talaga ang makakasal sa isa't isa. Paano na si Kyungsoo, na broken hearted siya ng dalawang beses." humagulhol na naman ako ng iyak.
Kung kaya ko lang kontrolin ang oras at panahon gagawin ko. Ibabalik ko sa panahon na hindi ko nakilala ang EXO lalo na si Kyungsoo. Pero isipin ko pa pa lang ang bagay na hindi ko siya nakilala ay halos ikamatay ko na. Tama ba ang desisyon ko? DIYOS ko tulungan nyo po ako, mahal na mahal ko lang po talaga si Kyungsoo.
BINABASA MO ANG
You are the One (EXO D.O's Story)
Novela JuvenilSi Suzy ang masasabi nating bidang kontrabida, siya lang naman lagi ang nagpapainit ng ulo ng ibang girls ng EXO, at hindi pa siya nakontento kasi nilalandi niya pa ang mga members. Not until Do Kyungsoo enter the story, walang paki ito sa mga masas...