Her Other side

314 13 1
                                    

Suzy's POV

"Young Lady handa na po ang sasakyan." agad akong tumayo at kinuha ang bag ko.

"Pakisabi hindi ako sasabay, mas gusto kong maglakad ngayon"

"Pero--"

"Please, kahit ngayon lang" sabi ko at tumayo na. Wala na ding nagawa ang mga ito. Hindi din naman gaano kalayo ang school, gusto ko lang talaga maramdaman maging isang ordinaryong studyante.

Lingid sa alam ng iba, naiinggit ako sa mga tao na malayang nagagawa ang lahat. Ang akala nila masaya ako kasi nakukuha ko ang lahat, pero mali sila. Madami akong bagay na hindi nakukuha, una na don ang pamilya at pagmamahal.

Lagi kong iniisip kung para sa akin ba talaga ang ginagawa ng mga magulang ko o para lang talaga sa kanila. Minsan lang kami magkita dahil sa trabaho nila. Once a month nga lang kami nagkikita kita, pero pure business pa kaya nauwi sila dito sa Seoul.

Napatingin ako sa batang akay akay ng kanyang ina papasok ng school na masayang masaya.

Kahit kelan hindi ko naranasan ang ganan. Sabi ko, lumaki kasi akong kasama ang mga katulong, honestly kaya lang naman ako brat kasi gusto ko ng attention ng lahat pero mukhang mali ang ginawa ko.

Wala din akong pang matagalan na kaibigan. Sina Victoria kaya lang naman sila nasama sa akin dahil sa sikat nga ako, pero yung tunay na kaibigan wala talaga ako.

Sa lalim ng pag iisip ko hindi ko alam na papatawid na pala ako sa kalsada. May narinig na lang akong malakas na busina at nanlaki ang mata ko. Hindi naman ako makagalaw kasi pakiramdam ko napako ang paa ko sa daan, ang nagawa ko na lang ay ang pumikit.

Pero hindi ko inaasahan na may isang tao na tutulong sa akin, at hindi ko akalain na siya pa.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

"Okay ka lang ba?" nag aalalang tanong niya sa akin. Gusto kong umiyak kaso parang ayaw makisama ng mga luha ko.

"A-ayos lang ako, Ikaw okay ka lang?" tumango lang ito at tinulungan niya akong tumayo. Nakita kong nag dumi ang kanyang uniform.

"Baka mamaya isipin ng EXO na inaway kita, ang dumi mo na" ngumiti lang sa akin si Eunhye, oo siya ang nagligtas sa akin.

"Hindi yan, nga pala bakit wala kang sasakyan?"

"Ahm anu kasi---" sasabihin ko ba? baka isipin niya napaka immature ng dahilan ko. Pero ngumiti lang siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Di mo na kailangang sagutin, tara na sabay na tayo sa school." inakay niya ako palapit sa bike niya. Nagulat pa nga ako ng sabihin niyang sumakay siya sa likuran.

"S-sigurado ka ba?"

"Oo naman, masarap kasi pag may kasabay papasok ng school." ngumiti uli ito. Bakit na napaka bait ng babaeng ito, kahit wala siyang naalala parang wala namang nag bago sa kanya. Tumango na lang ako at umupo sa likuran. Yumapos ako sa bewang niya. Nag umpisa na itong mag pedal at nakaka tuwang isipin na para kaming mag kapatid na dalawa. Kung alam ko lang na masarap pala siyang kasama sana siya na lang ang kinaibigan ko.

You are the One (EXO D.O's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon