Suzy's POV
"Suzy, bangon na! may pasok ka pa sa school!" sigaw sa akin ni Ate Yumi habang ina alog ako.
"Five minutes pa Ate, antok na antok pa talaga ako." hinigit ko pa hanggang ulo ang kumot ko.
"Bahala ka, tandaan mong classmate mo ang EXO at ang iyong beloved Kyungsoo, bahala ka pag may nauna sayo." agad akong napamulat sa sinabi niya, dali dali akong bangon at pumasok sa banyo. Naligo agad ako, makikita ko na uli sila, isang linggo na din matapos yung dinner party.
Pagkatapos kong maligo agad kong kinuha yung uniform ko at nag lagay ng konting make up, nagpabango at nag ponytail ako ng buhok na nilagyan ko ng blue na ribbon. Tadah tapos na ako.
"Ambilis mo din eh, narinig mo lang ang pangalan ni D.O, dinaig mo pa si Flash" pang aasar pa sa akin ni Ate.
"Walang basagan ng trip, so nasan na ang driver?" sabi ko at kinuha na ang bag ko. Napakamot naman si Ate Yumi sa kilay niya.
"Ano kasi Suzy, si Soohyun ang maghahatid sayo sa school" bigla namang nanlaki ang mga mata ko.
"ANO? ayoko nga" angil ko.
"Ang Daddy mo ang may gusto nun eh."
"Ayoko, mas gusto ko pang mag commute kaysa makasabay ang lalaking yon, makita pa kami ni Kyungsoo magselos pa yon"
"Eh baka magalit ang papa mo eh."
"Wag kang mag alala" agad kong tinawagan si Eunhye, sinabi ko dito na sasabay si dito, aangkas na lang siya sa bike nito. Kumuha muna ako ng hoodie at isinuot yon.
Agad akong bumaba, wala na akong balak mag umagahan. Lalampasan ko na lang sana sina Daddy ng tawagin niya ako.
"Bakit naka jacket ka?" tanong nito, sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Matanda kana talaga, wala ka ng alam sa fashion, hoodie ang tawag dito." at naglakad na uli ako.
"Ihahatid ka ni Soohyun" tumigil ako ng sandali at tumingin sa kanila.
"No thanks, mas gusto kong maglakad, exercise na din yun. Pasamahan mo na lang ako sa mga body guards kung nag aalala ka na tumakas ako." at naglakad na ako palabas. Narinig ko pang tinawag niya ako pero dire diretso na lang ako.
Naglakad lakad na muna ako, sabi ni Eunhye sa tapat na lang ng coffe shop kami magkita, malapit lang naman yun sa amin. Nakita kong may tatlong body guards ang nakasunod sa akin, okay na sila ang kasama ko kaysa dun sa fiancee kong ulol.
Nang makarating ako sa coffee shop ay agad akong pumasok, andun na din si Eunhye.
"Kain muna tayo ha, hindi ako nag agahan eh." sabi ko sa kanya at tumabi sa kanya. Tumingin ito sa relos nito.
"Oh sige, maaga pa naman tayo, teka oorder lang ako" pinigilan ko siyang tumayo, tinawag ko yung mga body guards ko.
"Iorder nyo kami ng dalawang Black forest cake at dalawang capuccino. Umorder na din kayo ng para sa inyong tatlo, alam kong di pa din kayo nag uumagahan. And oops bawal akong tanggihan" tumango lang ang mga ito at ini abot ko sa kanila ang credit card ko.
"Grabe, ikaw na ang may utusan fre" sabi sa akin ni Eunhye habang tatawa tawa.
"Nang may pakinabang naman sila noh, haha" sabi ko.
"Nga pala, kaklase mo parin ang EXO diba?" tanong nito sa akin.
"Oo, ibinalik na ako sa section nila." tumango tango naman ito.
Maya maya pa ay dumating na yung mga body guards ko dala ang pagkain namin.
"Miss Suzy , salamat po" tumango lang ako at nag umpisa ng kumain.
BINABASA MO ANG
You are the One (EXO D.O's Story)
Novela JuvenilSi Suzy ang masasabi nating bidang kontrabida, siya lang naman lagi ang nagpapainit ng ulo ng ibang girls ng EXO, at hindi pa siya nakontento kasi nilalandi niya pa ang mga members. Not until Do Kyungsoo enter the story, walang paki ito sa mga masas...