Happy moments

266 11 2
                                    

SUZY's POV

Grabe di ako makapaniwala na kami na ni Kyungsoo, dati parang aso't pusa labg kaming dalawa tapos ngayon eto na two weeks na kaming in a relationship wha kinikilig ako.

"Oy Suzy para kang baliw dyan, nangiti ka mag isa." sabi sa akin ni Soohyun. Nasa bahay kami ngayon dahil sabado at walang pasok. Inirapan ko lang siya, alam na din niya ang tungkol kay Kyungsoo.

"Inggit ka lang kasi may boyfriend na ako ikaw wala."

"Wala talaga akong balak mag boyfriend dahil girlfriend ang gusto ko" sabi nito sabay kain ng mansanas, grabe ang laki kumagat.

"Ang tino mo ding kausap no, para kang alien eh"

"Gwapo naman"

"Whu saang parte?"

"Lahat"

"No comment"

"Tss, ikaw ba ay walang date ngayon?" tanong nito.

"Ewan, di pa kasi nagtetext si Kyungsoo."

"Sana may date kayo para umalis ka ng bahay at ng matahimik ang buhay ko."

"Wow hiya ko naman sayo, bahay namin to" ngumisi lang ito

"Eh ano? tandaan mo di mo pa napapatigil ang kasal kaya fiancee mo pa ako at may karapatan ako sa bahay."

"Argh, I hate you!!! alien ka talaga" tinawana lang ako nito

"Don't worry, kapatid lang ang turing ko sayo."

"Ang kapal---" di ko na naituloy ang sasabihin ko ng biglang magring ang phone ko.

"Sagutin mo na, si Kwago ata yan" inirapan ko muna siya bago tumayo at sinagot ang tawag.

"Oh Kyungsoo napatawag ka?" sabi ko.

"Masama bang tawagan ang girlfriend ko?" lintik ka, kinikilig ako.

"Di naman, so anung pakay mo at napatawag ka?"

"Yayain sana kitang lumabas, pwede ka ba?"

"Oo naman, teka saan ba tayo pupunta? kelangan ko bang magdress at heels?"

"No, kahit mag jeans, shirt, hoodie at chuck taylor ka na lang. Pati magdala ka ng pang disguise para di ka makilala ng mga tao."

"Okay, anung oras?"

"Bago mag lunch, magkita na lang tayo sa coffee shop na malapit sa inyo."

"Okay bye, kita kits" agad akong bumalik sa pwesto ko kanina. "Hoy pasalamat ka at niyaya ako ni Kyungsoo, mawawalan kana din ng kaaway."

"Sabihin mo kay D.O salamat at niyaya ka niya." pinaltok ko lang siya ng unan at umakyat na ako sa taas, makapaghanda na nga.

Katulad nga ng sinabi ni Kyungsoo, simple lang ang suot ko at nag nerdy shade at bullcap na din ako para disguise. Nag packback na lang ako kaysa mag shoulder bag.

"Oy alien, alis muna ako ikaw na ang bahala dito sa bahay ha." sabi ko kay Soohyun.

"Ok, basta pasalubong ko ha. Yung mga bodyguards mo inutusan ko para makatakas ka, bilisan mo layas na" sabi nito sabay kain ng donut.

"Salamat, sige mamaya na lang ang pasalubong." at lumabas na ako ng bahay. Wala nga ang mga body guards, kaya malaya akong nakalabas. Naglakad na lang ako papunta don sa coffee shop.

Pagpasok ko ng shop agad kong hinanap si Kyungsoo at madali ko naman siyang nakita, paano ba naman eh halos pareho lang kami ng damit, naka nerdy shades din at bullcap. Agad akong lumapit sa kanya.

You are the One (EXO D.O's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon