Dinner Party

330 13 2
                                    

SUZY's POV

"Mamayang gabi may dinner party tayo kasama ang Pamilya ng fiancee mo, may ilang bisita din mamaya na mga multi billionaire. Mag behave ka at mag ayos, ayokong mapahiya." napatigil ako sa pagkain ng sabihin iyon ni Daddy

"Suzy sasamahan kitang mag mall" sabi ni Mommy, tumingin lang ako sa kanya.

"No thanks, may gusto kong kasama si Ate Yumi"

"Pero---" di ko na pinatapos sa pag sasalita si Mommy at tumayo na.

"Aakyat na ako, pasamahan niyo na lang kami sa mga body guard kung nag iisip kayo na tatakas ako." at pumasok na ako sa kwarto.

"Suzy, may sasabihin ako sayo." agad na sabi sa akin ni Ate Yumi.

"Ano yon?" sabi ko sabay higa sa kama.

"They are planning to kidnap you!!!" agad akong napabangon sa sinasabi niya.

"What?!"

"Naghahanap lang daw sila ng tyempo na makalapit sayo." nakangiting sabi nito.

"Kakaiba namang kidnapping ito, talagang alam ng dudukutin ang plano eh." nakangiting sabi ko.

"So sa tingin mo kelan kaya nila maisasagawa ang plano?"

Napaisip naman ako, pero sa kaiisip ko sumakit lang ang ulo ko. "Wala akong maisip eh."

"Ano kaya't sa dinner party eh papuntahin mo sila, tapos itatakas ka nila."

"Imposible yun, sina Daddy ang nag iimbita ng mga bisita."

"Edi isuggest mo, diba mayaman yung ibang members ng EXO, baka pwede mong sabihan ang Daddy or Mommy mo." napaisip naman ako, sabagay. Agad akong bumaba at pumunta sa office ni Daddy, hindi na ako nag abalang kumatok at agad ko na lang binuksan ang pinto.

"Mag aayos ako mamaya sa party kung iimbitahin mo ang mga kaibigan ko." agad kong sabi, agad naman niya akong tiningnan ng matan.

"At sa tingin mo gagawin ko yon?"

"Oo, dahil kung hindi mo sila iimbitahin mapapahiya ka sa mga kaibigan at investors mo."

"You won't do that!"

"Try me, nagawa ko ngang takasan ang engagement party diba, so ano?" tiningnan na nito ako ng masama pero hindi naman ako nagpatinag.

"Okay, iimbitahin ko sila, pero wag mong subukang tumakas, baka gusto mong sirain ko ang buhay nila, kayang kaya kong gawin yon." napalunok naman ako ng wala sa oras.

"I won't do that, basta gawin mo ang gusto ko." at mabilis akong lumabas ng kwarto niya at nag punta sa kwarto ko.

"Oh Suzy anong sabi ng Daddy mo?" agad na tanong ni Ate Yumi.

"Iimbitahin daw niya." sabi ko sabay buntong hininga.

"Oh that's great, i'll to the---"

"Pero sabi ni Dad wag daw ako magbalak na tumakas at sisirain niya ang buhay  ng mga kaibigan ko." putol ko sa sinasabi niya, agad namang nalukot ang mukha nito.

"So, anung gagawin natin?"

"I don't know, baka hindi lang ito ang pagkakataon na isakatuparan ang plano nila." agad namang lumapit sa akin si Ate Yumi at inalo.

"Be strong Suzy, tandaan mong andito lang kami ng mga kaibigan mo." tumango lang ako. "So tara na mag malling, mag paganda kana at makikita mo na ang love of your life na si Do Kyungsoo." agad naman akong namula ng marinig ang pangalan niya. "Uuy si Suzy dalaga na, namumula siya."

You are the One (EXO D.O's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon