Sacrifice

246 10 2
                                    

Suzy's POV

Kaka uwi ko pa lang galing sa date namin ni Kyungsoo at napakasaya ng araw na ito. Naglaro kaming dalawa na parang mga bata at nagkwentuhan ng kung ano ano. Balak nga naming gawin ulit iyon sa susunod na linggo.

Sa ngayon pupunta ako sa opisina ni Daddy sa bahay, pinatawag niya ako kahit 7:30 na ng gabi, dahil may mahalaga daw siyang sasabihin, baka tungkol na naman sa kasal.

Dina ako nag abalang kumatok at diretso na akong umupo sa harap niya.

"I heard na boyfriend mo ang isa sa members ng EXO" seryosong sabi nito.

"Ano naman?" mataray kong sagot.

"May fiancee kana pero may karelasyon ka pang iba, atat kaba sa lalaki"

"Wag na wag mo akong aakusahan ng ganyan, dahil kung di mo ako pinilit makasal, si Kyungsoo lang sana ang kasama ko!" nahampas ko ang lamesa nito.

"Hiwalayan mo siya" mariing sabi nito.

"Yan ang bagay na di ko gagawin, mahal ko siya Daddy, mahal na mahal, siya lang ang nagpapasaya sa akin."

"Wala akong paki alam!!!"

"Daddy, anak mo ba talaga ako at ganan ang turing mo sa akin? simple lang naman ang gusto ko, ang makasama ang taong mahal ko, wala akong paki alam sa yaman Dad, ang pagmamahal sapat na."

"Nonsense, sa ayaw at sa gusto mo hihiwalayan mo ang Do Kyungsoo na yan, tandaan mo na artista siya, kayang kaya kong gumawa ng issue na ikakabagsak niya, kaya kung mahal mo siya iwanan mo na siya" wala na lang akong nagawa kundi ang umiyak ganito na ba talaga katigas ang puso ng Daddy ko.

"Ipaglalaban ko ang pagmamahalan namin at wala kang magagawa." sabi ko sabay labas ng kwarto niya.

Agad akong pumasok sa kwarto ko at nagkulong, iiyak ko na lang lahat ito at gagawa ako ng paraan para matapos na ito. Lumipas ang oras, napatingin ako sa relo ko at 8:30 na ng gabi, di ko na namalayan na matagal na akong tulala sa kawalan.

Nagulat naman ako ng biglang pumasok si Ate Yumi sa kwarto ko. "Suzy, may issue tungkol kay D.O at sigurado akong masisira siya." agad akong kinabahan sa sinabi niya, ginawa talaga ni Daddy, mabilis akong tumayo at nagpunta sa kwarto ni Daddy, kailangan kong iligtas ang taong mahal ko, Kyungsoo.

--------------------------------------------

D.O's POV

Naglilinis na ako ng bahay at handa na sana sa pagtulog ng bulabugin kami ng katok at ingay ng doorbell sa pinto. Agad ko naman iyong binuksan.

"Manager, bakit andito ka? gabi na ah." sabi ko ng mapagbuksan siya.

"D.O, may malaki kang problema" hinihingal na sabi nito. Nakita kong bumaba na din ang lahat ng members, marahil ay nagising sa malakas na katok. Pinatuloy ko muna siya bago ituloy ang usapan.

"Manager anong tinutukoy mong problema ni D.O?" sabi ni Suho.

"May isang issue na lumabas, ang sabi sinulot mo daw si Bae Suzy sa fiancee nitong si Kim Soohyun, gusto mo daw mapangasawa ang dalaga dahil sa pera" agad akong nagalit sa narinig ko. Saan naman kaya pwedeng mang galing ang issue na yon. Bigla namang napatayo si Kris.

"Impossibleng mangyari yon, kilala nating lahat si D.O at alam nating di niya magagawa yon. At una pa lang sila na talaga ni Suzy."

"Kumalat na ba ang balita?" tanong ni Xiumin hyung, habang si Sehun at Baekhyun ay inaalo ako.

"Hindi pa naman, pero baka bukas kumalat na."

"Saan ba galing ang tsismis na yan?"

"Wala nga kaming alam, basta na lang siyang lumitaw" nang marinig ko ang sinabi ni manager ay di ko na napaigilang di umiyak, ano ng gagawin ko?

You are the One (EXO D.O's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon