D.O's POV
Andito na kami ngayon sa garden ng nina Suzy. Lahat ng tao ay kumain na maliban sa aming dalawa ni Suzy.
"Oy Kyungsoo paano mo ba napatigil yung kasal?" napatingin naman ako kay Suzy sabay ngiti.
"Ganito kasi yon"
FLASHBACK
Nang malaman kong nagsakripisyo si Suzy para sa akin ay agad akong nag isip ng paraan para matigil ang kasalang yon. Tinawagan ko pa nga si Soohyun na kung pwede kong kausapin ang mga magulang niya at pumayag naman ito. Tinulungan din ako ng lahat ng EXO at ni Eunnie. Sinabi nila na mag iinvest sila sa kompanya nila Suzy para lang matigil ang kasal.
Akala ko nga nung una eh mahihirapan kaming mapapayag ang magulang ni Soohyun pero nagkamali ako. Napaka bait nila,naunawaan daw nila ako at gusto din daw nila na sumaya ang anak nila. Kaya ang problema na lang namin ay ang Daddy ni Suzy.
Pinatawag ng Magulang ni Soohyun si Mr. Bae para maka usap. At nagkaharap harap nga kami.
"Anong ginagawa mo dito?" sabi agad nito sa akin.
"Syeoon, may ipapaki usap siya sayo." sabi ng papa ni Soohyun.
"Ano?" kahit kinakabahan ako ay buong tapang akong sumagot.
"Handa po kaming mag invest sa kompanya nyo, kahit sina Soohyun po ay mag iinvest pa din kahit hindi nyo na ikasal ang anak nyo."
"Anong gusto mong palabasin?"
"Wag nyo na pong ituloy ang kasal ni Suzy at Soohyun" tiningnan lang ako nito ng masama.
"At sino ka para utusan ako?"
"Ako lang naman po ang lalaking nagmamahal sa anak nyo, kaya sana po ay pagbigyan nyo ako sa hiling ko." sabay nag bow ako. Wala akong narinig na sagot kaya tumunghay na ako,nagulat pa nga ako ng makitang nakangiti ito.
"Hindi ko akalain na may magmamahal sa anak ko kahit ganon ang ugali niya" sabi nito. "Alam kong kami ang may gawa kaya masama ang ugali ni Suzy pero di ko akalain na may isang tao na kaya syang baguhin at the same time nagmamahal pa sa kanya."
"Hindi naman po mahirap mahalin si Suzy" sabi ko.
Tumango lang ito, "Salamat sa pagmamahal mo sa anak ko, kung tutuusin sinusubukan ko lang sya. Tinitingnan ko kung hanggang saan ang kakayahan nyang magparaya, hindi yung sarili nya lagi ang iniisip nya. Pero dahil kina usap mo ako ititigil ko ang kasal nila." agad naman akong napangiti.
"Talaga po?"
"Oo sa isang kondisyon."
"Ano po yon?"
"Kailangan mong mapatigil ang kasal na dapat hindi ako mapapahiya lalo na si Soohyun at Suzy. Kailangan mong gumawa ng paraan para mapatigil ang kasal ng walang nasasaktan" napanganga naman ako pero tumango din.
Humingi ako ng tulong sa EXO at kay manager na kung pwede ay palabasin na isang music video ang ginagawa, kaya ayun okay na ang lahat."
End of Flashback
"Ano?! so joke lang pala lahat ng nangyari kanina?"
"Yeah! Pati yung Daddy mo, mabait pala siya. Sabi nga nya mag so-sorry daw sya sayo" dinagukan naman ako nito.
"Ang daya nyo, alam mo bang halos mamatay na ako kakaisip kung paano mapapatigil yung kasal tapos yun pala joke lang, huh grabe, tapos si Daddy pala eh kakuntsaba mo argh"
BINABASA MO ANG
You are the One (EXO D.O's Story)
Fiksi RemajaSi Suzy ang masasabi nating bidang kontrabida, siya lang naman lagi ang nagpapainit ng ulo ng ibang girls ng EXO, at hindi pa siya nakontento kasi nilalandi niya pa ang mga members. Not until Do Kyungsoo enter the story, walang paki ito sa mga masas...