Changes

309 18 3
                                    

This Chapter is for, cutemongie and ElGang 12_88. Saranghae mga bh3 thanks for your support, *teary eyed* yung gusto mag pa dedicate comment lang ha heart heart.

♥♥♥♥♥♥♥♥♡♡♡♡♡♡♡♡

D.O's POV

It's been four months mula ng mag umpisa ang world tour namin at finally we're done, last stop na namin ang China.

Masaya kami dahil makakabalik na kami sa school at makaka pagpahinga na din, pero ang pinaka naging masaya kaming lahat ay ang balitang nagising na si Eunnie at ayos na ang lahat. Mabilis kaming umuwi sa korea para puntahan siya.

Lahat kami ay natuwa dahil kilala na niya kaming lahat, lalo na si Luhan na hindi maipaliwanag ang kasiyahan.

Nang makabalik na kaming lahat sa school ay napatunayan kong back to normal na ang lahat, kahit si Suzy back to normal sa pang lalandi sa amin kaya madalas na naman kaming mag away, lagi ko na lang siya pinagsinasabihan at alam kong nasasaktan siya mga sinasabi ko.

Isang araw hindi na pumasok si Suzy at mukhang dina napansin nung iba, Busy na din kasi sila sa pag pa-plano sa summer vacation. Ang nalaman ko na lang ay pumunta siya sa States dahil pinatawag siya ng kanyang magulang.

At dumating na nga araw na nagtapat si Luhan ng pag ibig kay Eunnie, at kahit masakit sa akin nag paraya na ako dahil alam kong magiging masaya na sila sa piling ng isa't isa. At matapos ang masayang tagpong yun ay mag uumpisa na ang summer vacation namin. Isinama din namin ang ilang kaibigan ni Eunnie na kalaunan ay naging kaibigan na din namin.

Sa ngayon ay papunta na kami sa airport, at lahat kami ay halatang excited lalo na si Sehun at Sulli na hindi maawat sa pag aasaran.

Nasa airport na din ang pinsan ni Tao na si Haruna. Kasama din daw namin yun sa bakasyon. Sa jeju island namin napiling mag bakasyon, mayroon din kasing bahay don sina Suho.

Ngayon ay nasa airport na kami. At napansin ko ang kinakabahang si Tao. At lahat kami nagulat ng may babaeng sumapak dito at binulyawan si Tao, ito na siguro ang pinsan niya. Nauna ang mga ito papunta sa private plane nina Eunnie. At ayun na naman si Sehun at Sulli na nag babangayan, tsk mga isip bata talaga.

Naglalakad na din kami papunta sa eroplano ng may makabunggo akong babae, buti na lang at mabilis ko siyang nasalo kung hindi baka lumagapak siya sa sahig. Nang tumingin sa akin yung babae ay agad kaming nagulat, lalo atang lumaki ang mata ko sa nakita.

"SUZY?!" sabay sabay naming sabi. Nagulat talaga kaming lahat, pati kasi yung itsura nya nakaka panibago, mukhang hagard na hagard siya. Agad itong tumayo at tumingin sa amin.

"I'm sorry, sige alis na ako" sabi nito habang nakatungo at akmang tatalikod na siya amin ng pigilan ko siya.

"Sumama ka sa akin" sabi ko at hinila siya, halatang nagulat silang lahat. Hindi ko din alam kung bakit ko siya gustong isama, tumingin ako kay Eunnie. "Eunnie sama ko na siya ha."

"O-okay" medyo nagulat pa siya, pero pumayag din naman.

"Ano ba Kyungsoo, bitiwan mo ako." sabi nito habang binabawi ang mga kamay sa akin.

"Manahimik ka" bigla naman itong natameme, kaya sinamantala ko na ang pagkakataon at hinila na siya pasakay sa eroplano. Nagulat nga din yung ibang nauna a sa eroplano.

"Oh, ahm hi Suzy, long time no see" sabi ni Suho at tumango lang si Suzy na ikinagulat ng lahat. Kami ang magkatabi sa upuan ni Suzy dahil mukhang wala siya sa mood. Ano kayang problema ng babaeng ito at parang bigla bigla na lang ang pagbabago? aalamin ko lahat sa loob ng bakasyong ito.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

After ng ilang oras ay nakarating na kami sa isla at dumiretso na sa bahay nina Suho. Masaya naman kaming lahat at wala namang nagtanong sa biglaang pagsama sa amin ni Suzy.

You are the One (EXO D.O's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon