Fighting

287 11 1
                                    

SUZY's POV

Maaga kaming nagising dahil na din siguro sa nangyarikay Eunhye, hindi parin ako makapaniwala na na aksidente siya, kakulitan ko lang siya kagabi eh.

Sabay sabay kaming bumaba at naabutan namin si Lily na nagluluto. "Kain na kayo." nakangiting sabi nito. Nagkatinginan kaming lahat pwera kay Sehun, mukhang iisa ang nasa isip namin.

"Anu, hindi kasi kami sanay na si D.O o si Shinhye ang nagluluto para sa amin." pagdadahilan ni Kris, baka mamaya may lason pa yun. Wala kasi si D.O kasi kasama siya sa ospital

"Ganun ba? sige itatapon ko na lang to" sabi nito.

"Wag, ipapakain ko na lang sa aso dyan." sabi ni Chen at kinuha yung mga pagkain, nagulat pa nga si Lily. Lumabas nga si Chen.

"Sige, anu ahm akyat muna ako." sabi ni Lily at umakyat na.

"Shinhye nagluluto ka ba?" tanong ni Kris.

"Oo naman, sige upo lang kayo dyan"

"Ano bamg ginagawa nyo?" tanong ni Sehun.

"Alamin mo" sabi ni Kai.

"Alam nyo nahihirapan na ako, parang may alam kayong lahat na hindi ko alam. Tungkol ba ito kay Lily?" sabi pa nito.

"Try to analyze the things and the situation, anu bang pinag mulan ng lahat ng ito?" sabi pa ni Haruna, may punto ang mga ito, tangahin kasi si Sehun

"I'm confused, at ni isa man sa inyo walang natulong sa akin." Doon na nag init ang ulo ko kaya napatayo ako bigla.

"Anong wala, wala pa ba sayo ang nangyari kay Eunhye ha!!! Kung nag iisip ka lang sana Sehun hindi magkakaganito ang lahat." inawat naman ako ni Baekhyun, umakyat na lang ako sa kwarto namin at nagdasal, sana maayos na ang lahat.

Nang araw ding iyon ay nalaman naming magaling na si Eunhye, nakalabas na din siya ng ospital. At higit sa lahat nagkaalaman na ng katotohanan. [AN: If ever gusto nyong malaman ang katotohanan, basahin nyo kwento ni Sehun, at dun sa mga nakabasa na, congrats haha.]

May konti mang tampuhang naganap ay alam naming maayos kaagad.

Hindi ko napansin ang paglipas ng araw at malapit na palang matapos ang summer vacation, ano na kayang mangyayari sa akin?

"If ever kayang matuloy ang arrange wedding ko, may aangal kaya?" sabi ko habang kasama si Eunhye sa kwarto.

"Meron naman siguro, malay mo si D.O haha." sagot nito.

"Anlahui yun pa ang inasahan mo, ang kupad kupad nga, iaanalyze pa daw niya ang nararamdaman niya para sa akin. Paano pag huli na ang lahat?"

"Ano ka ba naman tiwala lang Suzy, madaming paraan."

"Sana nga, sana bago ako matagpuan ng mga magulang ko ay alam na ni Kyungsoo ang nararamdaman niya para sa akin." bilisan mo naman Kyungsoo, naiinip na din naman ako.

♡♡♡♡♡Kinabukasan♡♡♡♡♡

Sa dinami dami man ng naging pagsubok ni Sulli at Sehun, ayun happy ending na din yung dalawa, tss dalawa na sa EXO members ang may Keychain na, kami na kaya ni Kyungsoo ang susunod?

Nasa kalagitnaan kami ng pagsasaya gawa ng new couple ng tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko yon, si Ate Yumi natawag. Nag excuse muna ako ng sandali sa kanila at sinagot ang tawag.

"Hello Ate Yumi, napatawag ka?" agad kong sagot.

"Suzy alam na ng magulang mo kung asan ka. At sa tingin ko bukas ay kakaunin ka na nila, balak pa din nilang ituloy ang kasal mo." nagpapanik na sabi nito, kahit ako naman eh kinabahan.

"Anong gagawin ko Ate? kailangan ko ng makaalis dito."

"Wala ng available na sasakyan eh. Naku Suzy mag ingat kana lang ha, wala din kasi akong magawa kasi pinagbantaan na ako ng Daddy mo, sorry talaga."

"O-okay lang Ate, ako ng bahala sige bye." nanlulumo akong bumalik ako kina Eunhye, mukhang napansin agad nito ang pagiging matamlay ko.

"Hey Suzy what happen?" sabi sa akin ni Eunhye na nag aalala.

"Itutuloy nina Mommy ang arrange wedding ko." napaiyak na lang ako. Pero nagulat ako ng hilahin ako ni Kyungsoo palayo sa mga kaibigan namin.

Tumigil na ito sa paglalakad ng makalayo na kami. Wala namang nagsasalita sa amin, nagpapakiramdaman lang. Mukhang kailangan ko ng ipaliwanag ang lahat.

"Tanda mo pa naman siguro yung araw na isinama mo ako dito." pag uumpisa ko, alam ko namang gusto niyang itanong yung tungkol sa sinabi ko. Tumingin agad ito ng diretso sa akin.

"Yung araw na iyon ay tumakas ako sa pamilya ko, kasi yun ding mismong araw na iyon ang Engagement party ko. Ipinagkasundo nila ako sa anak ng business partners nila. Pero dahil ayoko, tumakas ako. Ang kaso nalaman na nila kung asan ako at baka bukas ay sapilitan nila akong isama at ituloy ang kasal." umiiyak kong sabi.

"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin ang tungkol doon."

"Ayoko kasing problemahin nyo ang tungkol don."

"Wala ka bang tiwala sa amin? sa akin?"

"Meron naman, kaso madadamay kayo."

"Wala akong pakialam, kung kailangan kong harapin ang magulang mo gagawin ko." wala na akong nasabi kaya nayakap ko na lang siya. Sana maayos ang lahat.

You are the One (EXO D.O's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon