Everythings Changing

287 13 1
                                    

A/N: Medyo mabilis ba ang flow ng story? Ganito kasi talaga, flashback nga lang talaga ito diba kaya parang story telling lang. Hindi pa ito ang pinaka climax ng story nila, bali ito yung mga pinagdaanan nila bago sila mainlove sa isat isa. Para hindi po kayo malito. At kung madami pong typos pasensya na, sa cellphone lang kasi po ako nagta-type, Kamsahamnida.

♥♥♥♥♥♥♥♥♡♡♡♡♡♡♡♡

D.O's POV

Pumunta nga kami sa ospital at nag bantay kay Eunnie. Kinaka usap at kinakantahan din namin siya, baka sakaling marinig niya.

At nang kinagabihan, sa wakas ay nagising na siya ang problema nga lang wala siyang maalala. Pero kahit paano masaya kami dahil sa loob ng tatlong buwan ay nagising na siya.

Nagpakilala kaming lahat sa kanya pero si Luhan lang ang nag iba ng pakikitungo sa kanya. Wala naman kaming magawa dahil yon ang gusto niya.

Makalipas ang isang linggo ay pumasok na uli sa school si Eunnie pero si Luhan naman ay laging naiwas sa kanya. Hindi ko alam kung maawa o magagalit ako sa ginagawa niya. Gaya na lang nung isang beses, hindi siya sumabay sa pagkain ng umagahan at ng makita namin siya sa school ay kasama niya si Suzy na malanding nakakapit sa kanya. At ang mas ikinagalit ko ay ang sabihan ni Suzy si Eunhye ng 'aba buti at buhay ka pa!' akala ko talaga nagbago na ang babaeng yon pero nag kamali ako. Mukhang kailangan ko na uling gumawa ng plano.

Nasa room kami ngayon ng EXO maliban kay Luhan at Suzy na nasa labas, tss.

"Ano bang problema ni Lulu? pinahihirapan lang niya ang sarili niya eh." sabi ni Suho.

"Ayaw lang niya siguro na maalala ni Eunnie ang nagawa niya sa kanya." sagot ni Chen.

"Pero maalala at maalala ni Eunnie ang lahat, hindi niya pwedeng takbuhan ang problema." sabi naman ni Sehun.

"At isa pa ha, yang si Suzy namumuro na. Nakita kong inaway na naman niya si Eunnie gawa ng paglapit niya kay Luhan. Nakakainit ng ulo." surang sabi ni Kai.

"So anong balak nating gawin?" tanong ni Tao.

"Kailangan nating mapaglapit si Luhan at Eunnie. Alam kong kahit walang maalala si Eunnie kilala naman ng puso niya si Luhan" sabi naman ni Baekhyun.

"Tama, pero kailangan muna nating mailayo si Suzy kay Luhan." sabi ni Xiumin.

Napaisip naman kaming lahat ng biglang magsalita si Kris. "Kailangan may kumuha ng atensyon niya." agad namang tumingin sa akin ang lahat, agad naman akong napalunok.

"Mukhang ikaw ang aasahan namin D.O sa gawaing yon" sabi ni Chanyeol.

⊙_⊙ lalo atang lumaki ang mata ko sa sinabi niya. "B-bakit ako?" sabi ko.

"Ikaw lang naman kasi lagi ang nakakapagpatahimik kay Suzy, pati nagawa mo na ito noon kaya hindi ka na mahihirapan." sabi pa ni Lay at tinapik tapik pa ako. Napabuntong hininga na lang ako.

"Isipin mo na lang na para kay Eunnie itong ginagawa natin" sabi pa ni Chen. Tumango na pang ako.

"Sabihan na din natin ang mga kaibigan ni Eunnie, kailangan nilang bantayan lagi siya" sabi ni Suho at tumango kaming lahat.

Ano naman pwede kong gawin para mailayo si Suzy kay Luhan hay. -_- 

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Matapos ang ilang araw na pag iisip kung paano maiiliayo si Suzy kay Luhan ay nakaisip na ako ng plano. Kailangan ko lang ulit siyang galitin para lumayo sa amin.

Kaya ngayong mag lu-lunch break na kami. At mukhang may balak na namang solohin ni Suzy si Luhan.

"Yo Luheeen, sabay ka naman sa amin mag lunch sa garden. Miss kana namin eh." sabi agad ni Chen bago pa ito maunahan ni Suzy.

You are the One (EXO D.O's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon