Craziness + Indenial= Instant Confession

289 10 5
                                    

SUZY'S POV

Kinabukasan gumaling na si Kyungsoo kaya back to normal na naman kami, away dito away doon na naman ang peg namin. Pero may napansin naman akong konting pagbabago, bakit parang masyadong caring siya sa akin, gaya na lang nung nag punta kami ng cave, grabe maka panermon sa akin na 'mag ingat ka naman, baka mamaya may ahas kang matapakan, masaktan ka. Yung ulo mo iyuko mo baka mauntog ka. Magdahan dahan ka kasing maglakad, dito ka nga sa tabi ko' napaka OA din, yun bang tipong konting kislot ko lang akala mo'y kung sinong handa akong iligtas agad tss.

Nakakainis kasi na nakakakilig yung ginagawa niya, I hate to admit it pero crush na crush ko na ang kwagong yun, hayst nakaka loka na ito.

Sa ngayon eto kaming lahat at pumunta sa bilihan mg souveneirs ng isla. At itong si Luhan at Eunhye playing cupid na naman, aba mantakin nyo yung partners daw magkakasamang maglilibot, means kami ni Kyungsoo ang magkasama. Kaya eto kami, no choice haha feel na feel ko naman.

"Saan mo unang gustong pumunta?" tanong nito sa akin.

"Ewan, di ko naman alam ang mga lugar dito eh." patingin tingin pa ako sa paligid.

"Tara na muna dun sa mga bilihan." tumango na lang kami at nag umpisang maglakad.

Medyo siksikan ang mga tao sa lugar kaya hirap na hirap ako, ito namang si Kyungsoo akala mo'y walang kasama at ang bilis maglakad. Tss nasabi ko pa namang caring ka, yun pala hindi hmp.

Pilit ko siyang sinusundan pero eto nabubunggo na ako ng mga tao, kaya tumigil na lang ako. Mukha namang napansin ito nito dahil tumigil ito at bumalik sa kanya.

"Okay ka lang?" tanong nito sa akin. Sapakin kaya kita!

"Mukha ba akong okay ha, pagod na pagod na nga ako sa kakahabol sayo." teka parang double meaning yun ah.

"Sorry, baka kasi mamaya may makakilala sa akin dito kaya kailangan kong magmadali." sabagay artista nga pala ang tukmol na ito. Kahit kasi naka disguise ito ay angat na angat parin ang itsura, ikaw na ang malupet.

"Oo na, tara na." sabi ko at nag umpisa mg maglakad. "Pahawak na lang sa damit mo para hindi ako mawala." kakapitan ko na sana ang damit niya ng hawakan nito ang kamay ko, nagulat naman ako.

"Kamay ko na lang ang hawakan mo para hindi ka makabitaw." sabi nito at naglakad na kami. Alam kong namumula na ako ngayon dahil ramdam kong mainit ang pisngi ko.

Una naming tinigilan at bilihan ng damit. Tumingin tingin ako, kahit naman puro branded ang damit ko nakaka appreciate din ako ng local na damit.

May kinuha akong damit na may print na aso't pusa at sa gitna ng mga ito ay puso, parang kami lang ni Kyungsoo. Napangiti naman ako sa naisip. Humanap pa ako ng mga tshirt, bali anim na shirt kasama yung may print na aso't pusa, dalawang skirt at apat na kargo shorts. Nakita ko ding may binili si Kyungsoo pero di ko alam kung ano.

Sunod naming pinuntahan yung tindahan ng mga saklob, ang gaganda ng design. Kinuha ko yung summer hat na kulay blue na may malaking black na ribbon.

"Miss magkano po to?" tanong ko dun sa tindera.

"450 po"

"Kukuni---"

"Ako na ang magbabayad, Miss eto din isama mo na" inabot din nito yung baseball cap na blue at black ang kulay, whoo ment to be. Medyo nagulat naman ako kay Kyungsoo, wow ang galante din.

"Tara na" yakag nito, tumango naman ako. "Akin na din yang mga dala mo at isuot mo na tong saklob."

"Ang bait natin ngayon ah, may sapi ka ba?" pang aasar ko sa kanya habang sinusuot yung saklob.

You are the One (EXO D.O's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon