D.O's POV
Kinabukasan matapos umamin sa akin si Suzy eh naging mailap ito. Lagi na lang itong iiwas pag magkikita o maglakasalubong kami. Alam kong nasaktan siya sa pangbabalewala ko sa kanya, ginawa ko lang yon dahil para sa kanyang ikakabuti yon. Nalilito pa kasi ako sa nararamdaman ko para sa kanya kaya minabuti kong iwanan na lang siya.
"D.O, makikihanap naman si Suzy oh, kakain na kasi tayo ng tanghalian." sabi sa akin ni Seohyun, mukhang kaibigan na ito ng dalaga. Tumango na lang ako at tumayo na para hanapin si Suzy.
Lumabas ako ng bahay para hanapin siya, nakita ko siyang naka upo sa tabi ng swimming pool, narinig ko din ang paghikbi niya. Napansin ko din ang ilang can ng alak sa tabi niya. Agad akong lumapit sa kanya at inagaw ang hawak nitong alak.
"Ano sha tingin mo ang ginagawa mo ha!?" mataray na sabi nito, halatang may tama na din ito.
"Ikaw, ikaw sa tingin mo anong ginagawa mo, naglalasing ka katanghaliang tapat."
"Wala kang pake, lagi ka na lang epal sa buhay ko. Lumayas ka nga sa harapan ko at naiiyamot ako sa pagmumukha mo." sabi nito at nagpupumiglas pa sa pagkakahawak ko sa kanya.
"Tumigil ka nga Suzy, para kang bata."
"Ano bang pakialam mo ha, bakit alam mo ba ang nararamdaman ko? alam mo ba kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon?" sinuntok suntok na ako nito habang tuloy parin sa pag iyak.
"Stop Suzy"
"Anong stop, lumayas kana sa harap ko, bwisit kang kwago ka. I hate you, mamatay kana, sana lumaki pa lalo yang mata mo, mawalan kana sana ng boses. Iwan---" hindi ko na siya pinatapos sa pag sasalita at hinalkan ko na siya sa labi. Halatang natigilan at nagulat ito sa ginawa ko.
Nag-umpisa na akong igalaw ang mga labi ko, akala ko ay hindi na ito tutugon pero nagulat na lang ako ng yumakap pa ito sa batok ko para mas palalimin ang halik.
Pero ng mahimasmasan ito ay agad akong itinulak nito palayo habang habol namin ang hininga namin. "Walangya ka talaga, nanghalik ka na lang basta basta, akala ko ba wala akong dating sayo. Bwisit ka talaga." tmalikod na ito sa akin pero agad ko naman siyang pinigilan, nagpumiglas pa ito kaya nawalan ako ng balanse at nahulog ako sa pool, at dahil hawak ko ang kamay niya ay kasama ko siyang nahulog.
Nang maka ahon kami ay agad ko siyang nilapitan. Umiiyak na naman ito.
"Ayoko na Kyungsoo, bakit ka ba kasi nagpapakita ng kabutihan sa akin? lalo lang akong naasa na baka may gusto ka sa akin."
"Hindi ko naman gustong saktan ka, hindi ko lang talaga alam ang gagawin."
"Ewan ko sayo, paasa ka! porke nalaman mong espesyal ka sa akin akala mo kung sino kana. Tandaan mo pwede agad akong maghanap ng kapalit mo." hinatak ko na siya palapit sa akin.
"Yan ang wag mong gagawin" sabi ko.
"Ano bang pinagsasabi mo?"
"Masyado ka naman kasing padalos dalos. Malay mo ina analyze ko pa lang ang nararamdaman ko sayo. Masyado ka kasing atat."
"Ako pa ang atat, sana man lang nagsalita ka kagabi nung umamin ako sayo"
"Paano ako makakapagsalita eh pinagbabantaan mo ang buhay ko"
"Natatakot kasi ako sa sagot mo."
"Tapos ako ang sisihin mo, tss. Mag intay intay kasi, uso ang salitang PATIENCE, maki uso ka."
"Oo na, ako ng may kasalanan."
"Basta intayin mo lang ako, sinisigurado ko pa lang kung ano tong nararamdaman ko sayo."
"Bilisan mo naman ha." Tumango ako.
"Tara na umahon at kakain na tayo, baka mamaya hanapin na nila tayo."
"Oo na po" at umahon na nga kaming dalawa. Nagulat pa nga lahat dahil nakita nila kaming basa, nagtanong pa nga yung iba kung anong nangyari ang sagot lang namin ay 'nag-away lang kami' , tinawanan lang naman ito ng lahat.
Nang araw ding iyon ay may dumating na babae na nagpakilalang Lily, siya daw yung batang iniligtas ni Sehun noon, pero may kutob kaming iba, parang may mali. Tapos kinahapunan mukhang nagtalo si Sulli at Sehun, nag uumpisa lang mag kamabutihan yung dalwa pero gulo na agad tsk. At kinagabihan lahat kami ay natigilan, nawawala si Sulli at mukhang nahulog siya sa dagat. Matindi ang naging galit ng mga babae lalo na si Eunnie kay Sehun. At kami naman hinanap namin si Sulli.
Lumipas ang dalawang araw pero di namin nakita si Sulli. Nawawalan na kami ng pag asa ng biglang may tumawag kay Eunnie at sinabi nitong nasa kanya ang dalaga at inalagaan. Nagpunta kami sa kinaroroonan ni Sulli at salamat sa Diyos at buhay siya.
"Uuwi na tayo ha" sabi ni Seohyun na naiiyak na, tumango naman si Sulli.
"Don't worry Sulli, i'll protect you from that slut girl." sabi naman ni Suzy, I did'nt expect na sasabihin niya yon, mukhang magkakaibigan na talaga sila.
"Thanks guy's" sabi naman ni Sulli.
Ini uwi na naman si Sulli ng araw na iyon at gumawa kami ng plano para kay Sehun. Pero mukhang hindi namin napag planuhan ang tungkol kay Lily dahil si Eunnie ay napahamak na at dahil iyon sa babaeng yon, you'll pay for this.
★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★
AN: binilisan ko na ang flow para dun agad tayo sa present time ha. wag malilito ha, Thanks for reading
BINABASA MO ANG
You are the One (EXO D.O's Story)
Teen FictionSi Suzy ang masasabi nating bidang kontrabida, siya lang naman lagi ang nagpapainit ng ulo ng ibang girls ng EXO, at hindi pa siya nakontento kasi nilalandi niya pa ang mga members. Not until Do Kyungsoo enter the story, walang paki ito sa mga masas...