Ninja Style

299 13 0
                                    

"Ahm Dara pwede peram muna ako ng isang shirt at jogging pants? para makapag palit na ako, kukunin ko na din yung mga damit ko." tumango lang ito at tumayo. Maya maya pa ay may dala na itong kulay itim na shirt at pants, may hoodie pang itim. Yung totoo Dara fan mo ba si Dracula?

"Salamat, pero bakit may hoodie?" sabi ko at tinanggap ang mga damit.

"Alam kong mahihirapan kang makuha ang damit mo kaya kailangan mo ng attire na di mapapansin sa dilim." sabi nito, napatango na lang ako. "At sabi pa sa akin ni Soohyun sa Kusina daw ng EXO inilagay yung mga damit mo"

"What?! nasa loob pa ng unit nila? akala ko nasa labas lang?"

"Nope, may kakunchaba ata siyang isang member, eggyolk ata ang pangalan ah basta yung pangit na makulit na lalaki yon."

"Hala ibig sabihin pagdating pa nila tsaka ko makukuha ang mga damit ko?"

"Tama ka dyan men, at nga pala dalawa ang kwarto dito sa unit ko. Gamitin mo yung malapit sa verandah."

"Sige salamat. Teka pala, sino yung member na sinasabi mo na katulong ni Soohyun?"

"EggYolk? ah basta yung nakaka irita na lalaki na may malaking tenga. Grrr nakaka bad vibes yon, sige iwan na muna kita dyan gagawa lang ako ng ritual hihi." at umalis na ito. Maluluka ata ako kung siya lagi ang kasama ko. At EggYolk daw na malaki ang tenga? hala baka si Chanyeol yon haha, krung krung talaga si Dara.

Humiga muna ako sa sofa at natulog, mamaya pa naman ang awas nila makapag ipon ng lakas para sa laban mamaya.

-------------------------------------------

Nagising ako ng may sumusundot sa mukha ko, nahulog naman ako sa sofa ng bumungad sa akin ang mukha ni Dara na may facial mask. "Araay!"

"Kain ka na, 7:35 na ng gabi. Andyan na din ang EXO" sabi sa akin nito. Napahawak naman ako sa pang upo kong nasaktan at tumayo.

"Kumain kana ba?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ako nakain pag may ginawa akong ritual" eh?

"So nagluto ka lang para sa akin?"

"Actually instant noodles lang yan, di kasi ako marunong magluto."

"Ah sige salamat" agad akong pumunta sa kusina at umupo. Agad kong kinain yung noodles. Wha ngayon lang ako nakakain ng instant food. Matapos kong kumain ay nagpalit na ako ng damit na binigay sa akin kanina ni Dara.

"Suzy" tawag nito sa akin.

"Yeah"

"Dun ka kaya dumaan sa verandah? katapat kasi yun ng terrace ng EXO, malapit lang yun sa kitchen"

"Paano mo nalaman?"

"Sabi sa akin ni Soohyun." napailing na lang ako, alien ba ang dalawang ito.

"Hay sige bahala na, mamaya ko gagawin pag tulog na sila."

"Sige ingat ka, mauna na akong matulog ha, may pasok pa kasi ako bukas ng maga."

"Sige salamat ulit, Goodnight"

"Goodnight"

Sa ngayon habang nag iintay ako mag iisip muna ako ng magandang ninja style sa pagkuha ng mga damit ko.

♥♥♥♥♥♥♥♡♡♡♡♡♡♡

D.O's POV

Nagluluto ako ngayon sa kusina ng pang dinner namin, depress ako ngayon dahil sa pang babaliwala sa akin ni Suzy. Hay ang hirap ng ganito.  

Nagpunta ako sa part ng kusina kung asan andun ang mga kaldero ng may makita akong maleta. Agad naman akong nagtaka kaya kinuha ko yon at dinala sa sala, napaka burara talaga nila.

You are the One (EXO D.O's Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon