KABANATA VI

837 15 0
                                    

KABANATA VI

"TELL me, did you miss me, Ligaya?"

Hindi kaagad ako nakahuma sa kanyang tanong. Oo, namimiss ko siya. Diyahe, mas gumwapo siya ngayon. Ibang-iba sa nakaraang taon. Ang akala ko talaga hindi na kami magkikita pang muli pero heto, nasa harap ko siya at sya lang ang taong kinamumuhian ko hanggang ngayon.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Sir Sancho. Unang tingin ko palang sa kanya, wala na ulit akong nagawa kundi mamangha.

My legs wanted me to run but my brain is too fuzzy to even think about it. Nanatili akong nakatayo at parang tanga na nakatingin sa kanya.

"Are you not going to talk? Or you can sit on my chair if you want."
Aniya. Napailing ako.

Shit!

Be professional, Joy. Napakagaga mo naman. Huwag mong ipakita sa kanya na may epekto siya sa'yo.

Wala akong nagawa kundi umupo na lang at tiningnan siyang nakatayo pa rin. I sighed. I looked at my papers. Sa tingin ko, oras na para magsalita ako. Kung bakit ako ang napiling magdedesign ng website.

"Sir, may I ask why did the company chose me over one hundred best employees here in this company  to make this design?"

Nanginginig pa ako. Pero hindi parin siya umupo. Nakatingin lang siya sa akin. Na para bang binabantayan niya ako kung kailan ako mawawala sa kanyang paningin.

"Pardon?" Aniya. Napayuko ako at nainis. Kailangan ko ba talagang iulit ang tanong? Malinaw naman ah. Bakit kailangan pa niyang maging bingi ngayon?

"Pardon?" Ulit niya. Agad akong napahinga ng malalim.

"Ano po, why did the company chose me? Madami naman pong iba - -"

"My answer is yes, there's a lot in this company but I want to know how fast or smart you are, Miss Saurez."

Kinabahan ako sa pagiging pormal niya. Umupo na siya ngayon at seryosong nakatingin sa papel na hawak niya. Minamasdan ko ang kanyang mesa. Konti lang naman ang kagamitan pero alam ko na mas mahal pa ito sa sapatos kong suot.

"Ah... Thank you po, Sir. About the - -"

"You may start that today. I want the final soft copy within this week. I hope you can consider the quality, Miss Saurez."

Tumango ako. Napasubo ako sa kanyang sinabi. Teka, bakit sobrang bilis ata?

"Sir, can you extend the deadline?"
Ngayon nasa akin na siya nakatingin. Napalunok ako. The way he stared at me, kakaiba talaga. Natutunaw ako kahit simpleng tingin niya.

"Why? Do your job, Miss Saurez. I want that design also I really want to know how smart you are and I am hoping all my employees are good at working especially to those who are new here..."

Tumitig siya sa akin. Napabilis na ang tibok ng puso ko. Nabibingi na ata ako sa rambulan ng puso ko.

"Including you, Miss Saurez."
He said. Bumalik siya sa kanyang mga papel. Ako naman ay napalunok muli. Tatayo na ba ako? Magpapaalam? Ano na ang gagawin ko?
Ah, oo nga. Magpapaalam na ako dahil sisimulan ko na ang trabaho.

KS#2: Three Pieces (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon