KABANATA XXI

767 18 0
                                    

A/N: No proofread kaya sorry po sa madaming typos sa Kabanata XX 😭😔😢 anyways let's continue the story 😊😊 love lots sa inyong lahat❤😘

"The truth won't hurt but the longer it takes to hide, the person will always suffer."

KABANATA XXI

HINDI ko pa tinawagan sina papa at mama at kahit si Gorgon para sana sabihin na nahospital si Brews. Tudo naman ang pag-alo sa akin ni Seth na magiging okay si Brews. Pero sa nakikita ko, walang araw na hindi siya namumutla. Naiiyak na lamang ako.

"Si Stef ay papunta na rito. Magpahinga ka muna, Genesis." umiling ako.

"Diba buntis si Stef? Huwag na. Baka tayo ang aawayin ng asawa niya. Okay na ako rito, Seth. Kailangan ako ang magbabantay kay Brews." sabi ko. Natahimik si Seth. Tumunog naman ang kanyang cellphone.

Ilang araw na kami. Tatlong araw na ngunit wala pa rin akong nakitang dugo para sa anak ko. Pero pinapainom ko naman siya ng mga vitamins na pang high iron. Pero hindi parin iyon sapat para hindi ko siya makitang namumutla.

"Lalabas muna ako. Ikaw na muna rito." tumango ako kay Seth. Narinig ko ang pagbigkas niya ng pangalan ni Ysmael. Napapikit ako ng mariin.

Ilang araw rin akong walang sapat na tulog. Mamayang alas dyes ay gigising na naman ang anak ko para kumain.

Sabi naman ng doctor ay okay na si Brews. Pero sa nakikita ko ay parang hindi naman. Kung okay na ang anak ko, edi sana wala na kami rito.

Iniisip kong pumunta talaga sa Bukidnon. Iniisip kong manghingi ng kahit man lang dugo para sa anak ko. Nakakasiguro akong kapareho sila ng dugo ng anak ko.

Iniisip ko pa rin si Sancho hanggang ngayon. Nasa point ako ng buhay ko na gustong tawagan siya at sabihing may anak siya sa akin tapos sasabihing kailangan ko ng dugo niya.

I shook my head. I gain my pride so many years. Three years ago was my terminal state for being a martyr. Now, I hope I won't call Sancho this time.

"Papunta si Ysmael. Natext ko na si Stef na huwag na siyang bumisita rito. Si Rhiel ay nasa Madrid, ewan ko kung bakit pero sinabi niya rin sa akin na pupunta siyang England." aniya. Hindi ako makangiti man lang kay Seth.

Sa totoo lang, pagod na pagod na ako. Gusto ko talagang matulog magdamag pero nang makikita ko ang sitwasyon ng anak ko ay parang nagkaroon ako ng lakas para maging alerto.

"Humiga ka muna roon, Genesis. Gigisingin na lang kita kapag gising na si Brews." aniya. Napailing ako.

"Gusto ko ako ang unang masilayan niya, Seth. Iiyak kasi siya kapag hindi niya ako kaagad makita sa pagmulat ng kanyang mga mata." sabi ko. Tumango si Seth. Tumabi siya sa akin

"May nahanap na si Ysmael para kay Brews. Malapit na siya rito." sa kanyang sinabi ay nakakita ako ng liwanag. Napaiyak ako ng kusa dahil sa wakas gagaling na rin ang anak ko.

Ngumiti si Seth at hinawakan ang kamay ko.

"Diba? Sabi ko na huwag mawalan ng pag-asa." aniya. Napangiti na talaga ako at umiiyak.

"Seth, salamat sa inyong lahat." wika ko habang humihikbi.

"Sus, okay lang no. Sige na, matulog ka muna." aniya. Tumango ako.

"Basta gisingin mo ako kapag gumalaw si Brews at magising." tumango siya at nagthumbs up.

Tumayo ako at lumapit sa sofa. Kinuha ko ang kumot at saka pumwesto para makahiga. Nang nakapwesto na ako ay agad kong pinikit ang aking mga mata.

KS#2: Three Pieces (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon