KABANATA XVII

715 13 2
                                    

KABANATA XVII

NAKATINGIN lang ako kay Sancho. I have no idea what will I do right now. Ilalayo ko ba si Brews kay Sancho? O kukunin ko ang raisin bread para hindi umiyak ang anak ko? Saan? O kaya ay umalis nalang kaming dalawa ni Brews na hindi man lang pansinin si Sancho.

Naguguluhan na ako kung ano ang gagawin. Pati kasi si Sancho ay nakatingin lang sa akin. Parang may hinihintay siya.

Nabigla ako at natauhan nang narinig kong tinawag ang pangalan ko.

"Genesis, ang tagal niyo. Halika ka na." lumapit si Brews kay Sandro. Ako naman ngayon ay hindi na makatingin kay Sancho. Dinampot ng isa si Sandro ng raisin bread.

"Umalis na tayo." aniya. Sumama ako sa kanya. Kahit nanginginig na ako. Patuloy parin ako sa kakalakad patungong cashier. Si Sandro na ang nagbayad. Nawala ako sa aking katinuan dahil lang kay Sancho. Damn it. Hindi pwedeng ganito.

"Ma, kain ko raisin bread mamaya." masayang wika ni Brews. Siya na mismo ang bumitbit ng raisin bread niya.

"Ipakilala mo na siya sa mga magulang mo, Genesis. Hangga't maaga pa." aniya. Seryosong wika ni Sandro. Kumalabog ang puso ko.

Habang palakad-lakad kami papuntang exit ay hindi ko kayang lumingon pabalik sa likod. Alam kong nakatingin pa rin siya sa akin. Alam ko iyon.

Hindi ito ang gusto kong mangyari. Alam kong magkikita at magkikita sila sa kanyang ama. Pero hindi ko inaasahan na ngayon iyon.

"Huwag kang mag-alala. Hayaan mong mag-isip ang gago sa inyo o sa ating tatlo. Hayaan mo siya Genesis. Hinayaan ka niyang lumayo. Hahayaan mo rin siyang mabaliw sa kakaisip sa ating tatlo. Hindi naman niya alam na pinsang buo tayong dalawa." aniya. Tumango lang ako. Hindi ko alam kung kakausapin ko ba ngayon si Sandro o iisipin si Sancho ngayon.

Nag-alala na rin ako dahil papunta kaming El Salvador. Ni wala sa plano ko iyon. Napasulyap ako kay Sandro. Parang may mali. Bakit nakangiti siya? May hindi ba ako nalalaman sa kanya? Naninibago ako sa kanya. Parang hindi siya si Sandro na nakilala ko noon. Parang may nagbago.

Nagbeep ang cellphone ko. Nagtext si Daryl Casta sa akin. Nanlaki ang mga mata ko sa kanyang text. My God. Wala na bang mas malala pa sa araw ko ngayon?

From: Daryl Casta
Sis, papunta kami riyan sa bahay ninyo. Kukumustahin namin si Uncle George. Ps: Pagkain e-handa mo.

Napatulala ako habang nakatingin sa kalsada. Nasa likod si Brews at kumakain ng raisin bread niya. Ako naman ay hindi na mapakali. Wala na akong choice kundi ipakilala sa kanila ang anak ko. Nakita na ni Sancho si Brews. Wala na akong pagtataguan. Haharapin ko na lang ito.

I took a deep breath. Hindi ako lumingon kay Sandro at gamit ang malilikot kong mga mata, kita ko kung gaano siya kasaya ngayon. Bakit? Masaya ba siya na nasa peligro na kami ni Brews? Hindi magandang biro na nakita ni Sancho si Brews. Alam kong sobrang yaman nila Sancho. Saksi ako, noong nasa Bukidnon. Kung gaano kalaki at kalawak ang lupain nila.

Pero, ipaglalaban ko pa rin si Brews. Kahit anong mangyari. Ipaglalaban ko siya. Itataya ko ang aking buhay, makapiling ko lang si Brews hanggang sa huling hininga ko.

"Nandito na tayo." aniya. Nabingi ata ako at gusto kong umatras. Kinakabahan ako sa mangyayari. Alam kong magagalit si papa sa akin. Alam kong manghihinayang ang mga kaibigan ko sa akin pero mas importante si Brews. Mas importante pa siya sa takot ko ngayon.

Iyong nararamdaman ko noon na hindi magpapaalam kay mama na uuwi ako ng matagal, sobra ang kaba ko ngunit iba ngayon, ibang-iba talaga.

Halu-halo ang damdamin ko habang hawak ang kamay ni Brews. Nakadress pa ako at nakaheels. Pero tinanggal ko ang aking sapatos at pinalitan ng tsinelas ko sa loob ng kotse. It's now or never. Para sa anak ko.

KS#2: Three Pieces (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon