KABANATA IX
Ilang araw nalang at matatapos na talaga ang trabaho ko sa cottage. Konti na lang at aalis na ako dito. I looked at Frajik. Determinado siyang matapos din ang trabaho dahil may hinihintay pa siyang projects.
"Naku, Mam. Mamimiss ko ang kagandahan niyo dito. Kung pwede po ay kung may kamag-anak po kayo na kagaya niyo na maganda, papakasalanan ko po."
Napaubo ako doon. Tila hindi ko kayang makiharap sa mga tao ngayon.
Ilang araw ko na ring hindi nakita si Sancho. Tila busy ang lalaking iyon. Wala rin akong mapapala dahil kahit ilang lupa pa ang i-alok niya hindi ako magpapakasal sa kanya. Marrying a person is a big choice. I am not going marry anyone here. If this is my failure then I will take it. I will buy another land to my father. Hindi nama niya kailangang kunin pabalik ang lupa dito. I am willing to buy kahit mahal pa iyan. Huwag lang ang magpakasal sa lalaking iyon.
“Nandiyan na si Señorito Hector! Mang Epong kayo po muna ang sumundo kay Señorito ngayon.”
Nakita ko kung paano nataranta ang lahat. Tiningnan rin ni Frajik ang mga tao.“Iba talaga kapag mayaman ka no?”
He asked. Hindi ako lumingon sa gawi niya. Ano naman ngayon kung mayaman sila? Sapat na sa akin ang ganitong buhay. Pasalamat pa nga ako dahil nakakain ako ng tatlong beses.“Kung ganyan ako kayaman, Gen? Magpapaligaw ka ba?”
“What?” agad kong tanong kay Frajik. Nabigla ako sa kanyang tanong.
Ni hindi ko nga tinanggap ang alok na si Sancho mismo na mayaman at halos perfect na?
Tinago ko na lamang ang aking emosyon. Tiningnan ko na lang ulit ang nasa laptop ko. Minsan talaga hindi ko alam kung bakit matyaga kong sinasamahan si Frajik.
He’s a good man – perhaps. Wala akong reklamo pero kapag inaakit niya ako doon naiirita at tumataas ang dugo ko sa kanya.
“Mam, tawag po kayo ni Señorito Sancho. Sa study room po niya kayo pumunta.”
Bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit naman kaya? Kung tungkol doon sa alok niya, huwag na lang.“Bakit daw ba?” Tila nahihirapan ang babaeng nakatayo sa harapan ko. Naaawa ako sa kanya. Lumambot ako doon. Kung ang pagpunta ko doon ang kapalit ng kaligtaasan sa mabangis na ugali ng amo niya, gagawin ko.
Agad akong tumayo at ngumiti sa babae.
“Salamata, day.” Sabi ko. Ngumiti siya kaagad sa akin. Tila nabuhayan.
“Teka? Iiwan mo ako dito?” tanong kaagad ni Frajik na tila hindi kaagad makalma dahil aalis ako.
“Hindi ako magtatagal.”
Sabi ko na lang.Tumango siya at ako naman ay tumungo sa study room ni Sancho.
Kinakabahan ako at kahit sa paglakad ay tila nanghihina na. I stopped when I saw the door of his study room. I took a deep breath.
Relax, Genesis.Huminga muli ako nang malalim. I knock the door twice but I did not directly grab the door knob to get in.
Ilang segundo ata iyon bago ako pumasok. Isang mahalimuyak ang naamoy ko. Matapang. Kagaya ng may-ari nito.“Is it a yes or no?”
Hindi pa nga ako insaktong nakapasok pero iyon kaagad ang tanong niya.
Lumingon siya sa akin. Nakakapanindig balahibong ngisi ang sumalabong sa akin. Kumalabog ang puso ko sa titig niya.I calmed myself for a little while.
“No.”
Madiin ang pagbigkas ko. Desisyon ko ito. Kahit hindi ko na makuha ang lupa, okay lang. Kung magagalit si papa sa akin, okay lang.
BINABASA MO ANG
KS#2: Three Pieces (COMPLETED)✔
Romance•WATTYS 2018 LONGLIST• Tatlong piraso. Tatlong hiling. Tatlong bagay na kailanman ay hindi magkakatugma. Genesis Joy Suarez is a woman wants to be have a normal life. Be herself is very the hardest task in her entire life. But one summer, nakilala n...