KABANATA XV

732 13 2
                                    

KABANATA XV


SAMOT-SARING nagpapahayag ang doktor sa aminng tatlo ni mama at Gorgon. Natutulog si papa at hindi talaga namin siya ginambala pa na gisingin. Gusto naming malaman kung ano ba talaga ang kundisyon ni papa.

"May gagawa pa kayo, Misis. Itong gamot na ito ang magpapalow ng blood sugar niya. Huwag kayong mag-alala hindi naman ito kamahalan." aniya. Napatingin si mama sa akin. Lumapit ako sa kanya at inaalo ang kanyang likod.

"Salamat doc." iyon lang ang sinabi ko. Umalis ang doktor kasama ang nurse nito. I looked at my mother. Nakatulala na siya ngayon. I tapped her shoulder.

"Ma, huwag na kayong mag-alala. Ako na ang bahala, okay? Bibili ako ng blueberry at strawberry para kay papa. Kahit mahal ito, alam ko naman na gagaling si papa sa natural na gamot. Mukha kasing mas lala si papa sa gamot na ibibigay ng doktor." sabi ko. Umiling si mama.

Galit siyang humarap sa akin. "Narinig mo naman kanina diba na lumalala na ang kondisyon niya. Kailangan niya ito, Genesis! Hindi iyang sinasabi mong prutas o kahit herbal pa iyan!" aniya. Napayuko ako.

"I just want to help, Ma. Wala namang mawawala kung kakain si papa ng mga natural. At least mababawasan ang blood sugar niya kahit hindi naman ito kaagad na eepekto. Ito kasing gamit na binigay ng doktor ay makakasama sa atay at kidney ni papa." wika ko. Umiling si mama.

"Ako ang magdedesiyon dito, Genesis. Umuwi ka na muna. Para si Gorgon naman ang uuwi mamayang alas kwatro ng madaling araw. Gabi na, umuwi ka na." aniya. Kumirot ang puso ko sa sinabi ni mama. Parang ayaw niyang nandito ako.

"Hindi mo sinabi sa akin na natulog ka sa Nazareth. Nakikipagkita ka pa parin ba kay Sancho, anak?" aniya. Napatanga ako sa kanyang tanong.

"Ma, matagal na panahon na iyon. Magtatatlong taon na." hirap kong sabi kay mama. Napatingin si Gorgon sa pwesto namin.

"Kung malalaman kong nagkikita kayo, tandaan mo ito Genesis, hindi ka na makakatungtong sa pamamahay natin." aniya. Tumayo si Gorgon at lumapit kay mama.

"Ma, tama na. Saksi ako na hindi na sila nagkikita. Tatlong taon na." aniya. Lumingon si mama sa akin. Natakot ako sa kanyang binibigay na tingin.

"May asawa na si Kuya Sancho, Ma. Hindi na iyon babalik pa kay Ate." wika ni Gorgon na siyang dahilan para lumambot ang tuhod ko.

"Anong may asawa na?" takang tanong ni mama kay Gorgon. Tumango naman ang kapatid ko.

"Oo, binalita last year pa. Kaya Ma, huwag na kayong maghinala kay Ate. Kung saan man siya masaya ibigay niyo na. Hindi na bata si Ate para bantayan mo siya lagi, Ma." aniya.
Humarap na si mama kay Gorgon.

"Wala akong pakialam kung sinong pontio pilato ang sasamahan ni Genesis, Gorgon. Nag-alala lang ako. Mula noong bata pa kayo, alam kong may pagkukulang kami ng papa niyo pero hindi ko hinangad na sasaktan lang kayo sa ibang tao. Masakit iyon sa akin mga anak. Sana..." lumingon si mama sa akin.

"Maintindihan niyo pero mukhang hindi pa. Wala pa kayong mga anak kaya hindi niyo pa alam ang nararamdaman ng isang magulang." makahulugang wika ni mama. Iniwan niya kami at ako naman ay napatingin kay Gorgon. Hinampas ko siya ng mahina.

Kunot nuo siyang tumingin sa akin.
"Ate, masakit. Tangina." aniya. Umiling ako sa kanya.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na ikinasal na pala si Sancho?" inis kong wika sa kanya. Halos bulong na iyon baka kasi magising si papa. Mukhang umalis si mama para bumili ng gamot.

"Hindi na naman nagtanong. Paano ko naman sasabihin sa'yo?" aniya. Pilosopo pa! Inis kong hinampas siya ulit.

"Uuwi na ako. Sabihin mo kay mama na may dadaanan pa ako. Hindi ako magtatagal doon." sabi ko kay Gorgon. Tumango lang siya dahil busy na naman siya sa kanyang cellphone. Napabuntong hininga ako at nilapitan si papa.

KS#2: Three Pieces (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon