KABANATA XXVIII
PARANG bulong ang mga narinig ko. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. I saw my mother talking to my father. I closed my eyes and opened it once more. Hindi na blurry pero nagtataka ako na hindi pamilyar ang lugar.
"Anak, gising ka na," wika ng aking ina na alalang-alala sa akin. Napangiti ako.
"Kumusta ka na anak? Pumunta kanina rito si Sancho, babalik din iyon pagkatapos bumili ng pagkain." wika niya. Umupo naman si papa katabi ng kama.
"Kumusta, Joy?" tanong nito. Napangiti ako sa kanya.
"I'm fine," maikli kong sagot. Tumango silang dalawa. Bigla ay naalala ko si Brews.
"Ma, nasaan si Brews?" tanong ko.
"Sinama ni Daryl Casta. Nagulat nga ako na pumunta siya sa bahay at siya na ang tumulong sa akin na dalhin ka sa hospital. Laking pasasalamat ko talaga sa kanya," aniya. Napangiti ako iyong mas masigla talaga.
"Siguradong naalala mo na ang lahat, anak" sabi ni mama. Dahan-dahan naman akong tumango ako sa kanya.
Bigla ay bumukas ang pinto. Nagulat ako at bumilis ang tibok ng puso ko. Napalunok ako at umiwas ng tingin sa kanya.
"Mahal, lumabas muna tayo." anito. Sumimangot si papa sa sinabi ni mama. Ngiting pilyo naman si mama sa akin. Napangiwi naman ako.
"How do you feel?" tanong nito. Hindi ako tumingin. Nahihiya ako sa kanya. Ewan ko. Basta.
"I bought you some fruits and meal." aniya. Hindi ko siya tiningnan.
"Sancho, bakit ngayon ko lang nalaman ang lahat?" tanong ko sa kanya. Bigla ay natigilan ito sa pagkuha ng mansanas. Napatingin siya sa akin.
"Bakit ngayon pa? Bakit hindi noon? Bakit ngayon pa?" umiyak ako. Agaf naman siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Umiiyak ako sa kanyang braso.
"Shhh, baby. It's alright." umiling ako.
"Hindi, kasalanan ko ang lahat ng ito. Kung sana noon ko pa nalaman ang lahat, sana bumalik ako. Sana talaga bumalik ako." hinahagod niya ang aking likod.
"Hindi na kailangan, babe. Nandito na tayo." aniya. Bigla ay may nakita akong papel. Namanhid ang katawan ko.
"I bought the papers and I also found out that the Montecarlos played us." sabi ni Sancho. Ngumiti ito at hinalikan ang nuo ko.
"Read it, original iyan ah." aniya. Tumawa naman ako. Original nga. Nabasa ko na rin ang marriage certificate namin. Nandoon ang pangalan ko at apelyidng naiba na.
"You are my wife, baby. Noon ko pa iyan pinangarap talaga." aniya. Natigilan ako. Bigla ay kinuha niya ang mga kamay ko.
"We started at the wrong time and place when we were so young, baby. But I was so happy that time." aniya. Tumulo ang luha ko.
"My family will come later to say sorry for what happened to our family. My father will also say sorry to your father." aniya. Hinalikan niya ang mga kamay ko. Napangiti ako ulit. Ang sweet niya talaga.
Hindi ko inakala na ang isang kaibigan ko noon ay asawa ko na ngayon.
Napakadaming nangyari. Minsan iniisip kong panaginip lang ito. Noon pinapangarap kong mag-asawa ng Montemayor dahil mayaman ang mga ito. Pero ngayon, gusto kong makapag-asawa ng isang Montemayor dahil isa roon ay mahal na mahal ko.
"I am so excited to finally bring you and Brews to our land, baby." aniya. Natigilan ako.
"Anong - -"
Ngumiti siya.
BINABASA MO ANG
KS#2: Three Pieces (COMPLETED)✔
Romance•WATTYS 2018 LONGLIST• Tatlong piraso. Tatlong hiling. Tatlong bagay na kailanman ay hindi magkakatugma. Genesis Joy Suarez is a woman wants to be have a normal life. Be herself is very the hardest task in her entire life. But one summer, nakilala n...