KABANATA XXII

724 15 1
                                    


"Sometimes we need pain to feel the gorgeous of life."

KABANATA XXII

KINAKABAHAN ako habang hinihintay si Daryl na magsalita. Tinitingnan niya kasi at nilalagay ata ang mga folders batay sa kanya. Huminto siya at parang sigurado na talaga siya sa kanyang pag-aayos. Bigla ay napalunok ako nang tumingin na siya sa akin.

I took a deep breath before she spoke.

"It's time but you need to follow each folders and first of all I want to say it clear right in front of you, Genesis that no matter how much information you will know today just keep it in yourself. Be calm and stay what you have now." aniya. Napalunok ako ulit. Tinuro niya ang kanang folders.

Nanginginig ang kamay ko roon. Kinakabahan ako.

"Huwag ka ngang manginig diyan! Ano ka ba, uminom ka muna ng tubig." aniya. Napailing ako.

"Okay lang ako." saad ko sa kanya. Tumango siya. Minamasdan niya ako.

Nang sa wakas nakuha ko ang unang folder ay agad kong binasa ang nakasulat sa front cover. It says 'At the beginning'.

I took a deep breath and sighed.

Binuksan ko ito at binasa ang pahina. May nakasulat doon about sa pamilya ni papa.

Si Alejandro Suarez ay may dalawang anak. Sina Gorio at Genevieve. Nang tumungtong ng edad na labing-walo ay nagkaroon nang pagkahumaling si Genevieve kay Hades Montemayor. Isinangbahala ito ni Alejandro dahil bata pa ito. Magkaibigan ang dalawang pamilya. Marangya man ang mga Montemayor ay lubos parin ang kanilang kabutihan sa mga tao.

Nagmamahalan ang dalawang magkasintahan. Sina Genevieve at Hades. Ngunit naputol ito dahil pinakasalan ni Hades si Loreta Mendoza. Sa araw ng kasal nina Hades at Loreta ay nagpakamatay si Genevieve. Lubos ang lungkot ang natamo ni Alejandro. Napasyahan nito na mangibang bansa para tuluyang kalimutan ang lahat. Ngunit gusto naman ni Gorio na maghiganti.

Tutol ang amang si Alejandro kay Gorio. Kaya hindi natulog ang plano nito na maghiganti. Lumipas ang taon. Isinilang si George Suarez at ang kapatid nitong babae sa Valencia Bukidnon. Ang kanyang mga magulang ay sina Gorgio at Nina Suarez.

Isinanla ang lupain sa mga Montecarlos nang nagkasakit si Alejandro. At nang tuluyan na ang lunod sa utang ay ibinenta na lamang ni Gorio ang lupa sa mga Montecarlos.

Magkaibigan talaga ng tunay ang dalawang pamilya na Suarez at Montemayor. Pero noong lumipat ang mga Montecarlos ng ilang taon sa Bukidnon ay tuluyan nang nawala ang mga Suarez sa lalawigan. Mayaman din naman ang mga Montecarlos. Kaya naging tinig ng tenga ang mga ito.

Napahinto ako sa pagbasa. Tumingala ako kay Daryl Casta na ngayon ay minamasdan ang mitsu.

Tinuloy ko muli ang pagbasa.

Si Hermes Montemayor ang anak ni Hades Montemayor na anak rin ni Henry Montemayor. Mabait ngunit tuso ito sa larangan ng negosyo at lupa. Naiba ang yugpo ng pangyayari nang dumalo sa isang pagtitipon ang mga Montecarlos sa mansyon ng mga Montemayor. Masaya ngunit nagiba iyon nang binalita nito na aalis ang mga Montecarlos papuntang America.

Natapos ko ang mga pahina ngunit hindi pa rin iyon sapat. Kaya kinuha ko ang katabi nito. Agad kong binuklat iyon.

'The hidden truth"
Iyon ang nabasa ko sa front cover.

KS#2: Three Pieces (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon