KABANATA XVI

737 17 2
                                    

KABANATA XVI

MADALING araw akong umalis sa bahay para pumunta kay Sandro. Nasa Tagoloan silang dalawa ni Brews. Wala pa akong sinabi kay mama na nandito si Sandro at sumama sa akin dito sa Pilipinas. Sa ngayon itatago ko muna si Brews.

"Ipapasyal natin mamaya si Brews sa park. Alam kong sasaya siya roon, Genesis." aniya. Tumango ako sabay kumuha ng pandesal sa loob ng brown paper bag. Sinawsaw ko ito sa mainit na kape.

"Nagpaalam ka ba sa pamilya mo?" tanong sa akin ni Sandro. Umiling ako. Nakita ko namang nagbago ang kanyang mukha. Parang nagalit siya bigla sa akin.

"Huwag mong sabihing umalis ka't tulog pa sila?" wika niya. Tumango ako. Magsasalita pa sana si Sandro nang marinig kong munting hikbi ni Brews. Tinawag niya agad ang pangalan ko pagkatapos kong marinig ang malalim niyang paghinga.

Agad kong pinuntahan si Brews. Umiiyak siya habang yakap ang kanyang teddy bear.

"Mama!" nang makita niya ako ay walang pagdadalawang-isip siyang yumakap sa akin. Inaalo ko siya. Pinapatahan.

"Anak, huwag ka ng magcry. Nandito si Mama." pero imbis na tumahan ay mas lalo siyang umiyak.

"Mama... Mama.." paulit-ulit niyang sambit. Nadurog ang puso ko nang marinig ko siyang umiiyak kasabay nang pagbigkas ng 'Mama'.

"Anak, huwag ka ng magcry. Nandito lang si Mama. Sorry wala si Mama huh? Nagwowork kasi si Mama." tumahan na siya. Pinunasan ko kaagad ang munting pisngi niya ng lampin.

"Tapos blow mo naman, baby." tumango siya tapos agad kong pinahiran ang sipon niya. I sighed. Kumuha ako ng bagong damit niya saka pulbos. Hindi siya sanay sa lugar kaya namamawis siya. Kita ko kung gaano kapula ang katawan ng anak ko. Ang puti-puti kasi niya. Alam kong hindi niya namana ito kay Sancho. Moreno kasi siya.

"Mama, milk." aniya. Napangiti ako at binuhat siya.

"Aray ko naman..."saka ko inamoy ang kanyang kili-kili. Tumawa siya.

"Ang bigat-bigat na ng baby ko oh." sabi ko. Tumawa lang siya saka niya nilagay ang kanyang ulo sa bandang leeg ko. Nakikiliti man ay hinayaan ko siya. Na miss niya siguro ang amoy ko.

"Sama ka sa amin mamaya, Brews." saad ni Sandro kay Brews. Nakuha naman ni Sandro ang atensyon ng anak ko. Nakatingin na ito sa kanya.

"Saan?" tanong niya. Napabuntong hininga ako.

"Sa park, Brews. I'm sure you will like it." masayang wika ni Sandro. Kumunot ang nuo ni Brews. Pinaupo ko naman siya sa silya at agad kong tinimplahan ng gatas.

"Really, Tito Sandz?" manghang tanong ni Brews. Tumango ito.

"Yes. Kaya kumain ka ng marami ngayon dahil kasama si Mama mo." napangiti na ng tuluyan ang anak ko. Napasulyap siya sa akin at tiningnan ang brown paper bag saka kumuha ng pandesal.

"Ma, no raisin bread?" aniya. Natigilan ako at napatingin si Sandro.

"Ahm, iyan muna anak. Wala pang store ngayon para bumili tayo ng gusto mo." tumango siya. Nilagay ko ang basong gatas sa mesa.

"Be careful. Mainit pa iyan, anak." tumango siya at kumuha ng kutsara. Napapangiti ako habang kumakain ang anak ko.

Hindi ko akalain na ang batang isinilang ko ay marunong nang humawak ng baso at kumain mag-isa.

"Lalabas muna ako, Genesis. Sasagutin ko lang ito." agad akong tumango kay Sandro. Lumapit ako kay Brews at inaalayan siyang kumain. Minsan, ako ang nagbe-bake ng raisin bread niya. Pero baka makakahalata sina mama kung magbe-bake ako sa bahay.

KS#2: Three Pieces (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon