KABANATA IV

946 20 1
                                    

KABANATA IV

Nakalimutan siguro ng parents ko na may on the job training ako. Sa sobrang busy hindi na nila alam na gagraduate na ako next year. Excited pa naman si mama na doon ako sa Iligan magsasummer. Hindi ata nila alam. I took a deep breath and sighed. Grabe naman sila.

"Ate, saan ka mag-ojt? Nagtatanong kasi si Ate Casta." Napabuntong hininga ako. Hindi ko rin alam kung saan. More on programming ang alam ko. Doon ako magaling pero hindi naman sobra. Iyong natutunan ko lang ng husto.

"Pakisabi naman kay mama, ate na pwedeng dito na lang ako magsasummer? Hindi ko gusto sa Gensan, masyadong malayo dito." Aniya. Napairap ako.

"Ikaw na lang kaya ang magsabi. Tutal, marunong kang maglambing kay mama." Sabay lagay ko na lang ng mga papel niya sa mesa. Saka ako pumunta sa kusina para hugasan ang mga pinggan. Isa pa ito, problemado talaga ako sa requirements sa OJT  ko. Sobrang bigat ng task. Ewan ko ba kung bakit iyon pa, e sa dami ng ipapagawa iyon pa talaga.

Maaga ako nagtungo sa paaralan. Dahil sa text sa akin ni Madison na pupunta kami sa Indahag para makompleto ang requirements namin. Una, hindi kaagad kami nakapagpasya kung saan kami kukuha ng pangdokumento para sa research paper namin pero salamat sa Diyos at nakapagpasya kami ng maaga.

"Bakit ba kasi iyon pa ang ipapagawa ni Sir sa atin? Hindi ba niya alam na iba ang Agriculture sa Information Technology? Really? May programming ba doon?" Inis na talatak ni Madison. Madami din kami. Sumakay muna kami ng jeepney papuntang Cogon Market. May mga sasakyang jeep din kasi na nakapark papuntang Indahag.

"Kung hindi lang natin 'to kailangan, sus. Asa pa akong gagawin ko ito?!" Napabuntong hininga ako. Hindi ko rin naman nagustuhan ang desisyon ng professor namin pero wala kaming magagawa, major e.

"Ang init naman dito!" Puro reklamo ang narinig ko sa bibig ni Madison. Naiinis na din si Alyena sa kanya. Isa sa kagroup ko sa research. Nakikita ko kasi kung paano napapairap ito.

"Ahm, pahinga muna tayo. Sa kabilang bahay na naman tayo mag-iinterview." Umupo kami sa may sementong upuan na may tindihan sa harap. Ang init nga. Sobra, dahilan na may pawis sa leeg at likod ko. Hindi ko alintana kung gaano kapawis ang katawan, basta matapos na din ito.

"Wow, ang laking lupain ah." Napatingin ako kay Joshiah. Hawak niya ang kanyang cellphone habang nakatingin sa left side na may malaking lupa nga. Sobrang lawak.

"Ay, private property. Kaninong lupa kaya iyan?"
Napatanong si Alyena. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon na lang kalakas ng tibok ng puso ko.

"Hindi na kayo pwede dito, mga bata. Private property na kasi dito. Bumalik na lang kayo sa sentro." Aniya ng may-ari ng tindahan. Napatango silang lahat. Ako naman ay nanliit ang mga mata. May nakasulat doon. Hindi ko kaagad makita. Malabo.

Lumapit ako sa Ali, iyong may-ari ng tindahan.

"Ate, kaninong lupa po iyan?" Napatanong ako. Agad na kumunot ang nuo nito at salubong ang mga kilay. Nagdadalawang isip pa siyang sumagot at ramdam ko ring naghihintay ng sagot ang mga kasama ko. I know, kaya ako nalang ang nagtangkang magtanong.

"Ay, ano. Hindi ko alam, hija. Pasensya na." Tumango ako at ngumiti.

"Umalis na tayo. Hindi ako pwedeng magpagabi. Magagalit si mama sa akin." Wika ni Alyena. Sumang-ayon din si Joshiah.

"Ayoko na rin dito. Sobrang init." Reklamo na naman ni Madison.

Umuwi kaming ligtas. Pagod na pagod din ang katawan at maliban sa isip kong laging tumatakbo. Ewan ko ba, parang may mali kasi.

KS#2: Three Pieces (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon