KABANATA II

1.1K 26 0
                                    

KABANATA II

Hindi ako mapakali noong una. Nakasuot ako ng pangmaid tapos nasa kusina tumutulong sa mga katulong. Ang daming tao sa labas tapos sinabihan na ako ni Nanay Mel na hindi ako lumabas. Gusto kong makita kung ano ang nandoon.

"Dito ka lang, Joy." Iyon ang bilin ni Nanay Mel. Nasa kusina lang talaga ako. Nag-aayos ako ng gamit nang may narinig akong bumati.

"Magandang gabi po, Senyorito." Napaayos ako ng tayo tapos humarap. Nakita ko si Senyorito na may hinahanap pero nang napunta ang kanyang mga mata sa akin ay saka naman siya lumapit. Bumilis ang tibok ng puso ko. Shit. Kalma lang heart. Hindi siya mangangain pero sasaktan ka niya okay? Kaya please lang sumunod ka naman sa akin!

"Sumama ka sa akin..." Walang nagsalita tapos sumama na nga ako. Alam kong gustong humarang ng ibang katulong kasi bilin ni Nanay Mel na huwag akong umalis sa kusina pero nandito ako kasama si Senyorito. Nasa isang liblib na lugar kami. Nakatingin lang siya sa langit tapos balik sa sapatos niya. Parang hindi siya mapakali. Ano ba ang nangyayari sa kanya?

"Damn it!" Napamura siya kaya naman ay hindi ko mapigilang magtanong.

"Ano pong gagawin natin dito, Senyorito? Wala na pong ilaw. Masyadong madilim" sabi ko. Pero hindi naman talaga, may alitaptap nga e. Sobrang liwanag. Tangina naman.

"Can I hold your hand?" Muntik na akong atakihin sa puso. Oy, bakit kailangan hawakan niya ang kamay ko? Manghuhula ba siya? Grabe naman siya. Huhulaan niya ata ang future ko.

"Bakit po?" Tanong ko tapos narinig kong bumuntong hininga siya. He even looked at me in the eyes. Patay. Nawawalan na ako ng hininga. Hindi niya hinintay ang sagot ko tapos hindi nga siya sumagot sa tanong ko. Agad niyang hinawakan ang kamay ko tapos naramdaman ko na lang iyong kuryenteng nakakakilig. Natatae na yata ako. Ito ba iyong makasama mo at mahawakan ang isang Demigod na tulad niya?

He looked at me straight from the eyes. Parang nakikiusap ito sa akin.

"I like you..." Aniya. Napaawang ang labi ko sa kanyang sinabi. Tumango ako at nag-isip ng paraan. Ang awkward.

"Ahm... Hihi, palabiro ka pala, Senyorito - - -"

"Call me Sancho." Aniya. Napatingin ako sa kanya at tumawa ng bahagya. Agad kong binawi ang kamay ko mula sa kanya.

"Hihi, huwag po ako Senyorito..." Sabi ko.
Dumilim ang mukha nito. Nagalit ko ata siya.

"Bakit hindi ikaw? You're beautiful, Joy. Can I call you Ligaya?"

Natameme ako sa sinabi niya. Wait, is he for real? Totoo ba talaga siya? Lumapit siya sa akin pero agad akong napaatras sa kanya pero ang bilis niya kaya nahigit niya ang kamay ko tapos naglanding ako sa matipunong dibdib niya. Parang bato nga ata ito sa sobrang tigas.

Niyakap niya ako at naramdaman ko iyong hinalikan niya ang ulo ko.

"You're my property now..."

Ilang araw na naman akong hindi mapakali. Hindi nga ako makatulog ng maayos. Tapos hindi ako makatingin ng sa mata kay papa. Feeling ko kasi ay sinuway ko siya. Hindi ako pwedeng makipagrelasyon dahil bata pa ako. Madami pa akong pangarap sa sarili.

"Anak, pumunta ka sa mansyon tapos sabihin mo kay Timay na kailangan siya ng mama niya mamaya. Pupunta sila sa ibang purok." Sabi ni papa tapos inayos ang kanyang gamit. Hays, pupunta na naman ako sa mansyon tapos makikita ko na naman siya. Wala bang araw na hindi ko siya makikita tapos ngayon ay lalong magkaharap kami. Kay Timay pa talaga ako pupunta tapos magkasundo iyong dalawa. Nasa kinse anyos pa siya pero kung makasama niya si Senyorito ay parang magkasing-edad lang sila. Tapos ilang araw akong iwas nang iwas kay Senyorito. Para na nga akong robot tapos nag-iisip kung saan ako tatago. Mahirap talaga ang pinagdadaanan ko mula noong sinabihan niyang property niya ako.

KS#2: Three Pieces (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon