KABANATA XIII
BUONG byahe kaming tahimik ni Sandro. Kahit nasa loob na kami ng apartment niya ay walang nagsasalita. Hindi ko gusto ito. Magmula noong nasa loob kami ng eroplano ay hindi na siya nagsasalita. Parang naging malamig siya. Sa tingin ko ay may kinalaman ito sa eksena kanina sa airport.Kung ganoon, si Arandra at Ara ay iisa. Ang haba naman ng buhok ni Ara kung ganoon. Dalawang lalaki ang nabaliw niya sa kanyang gandang taglay. Alam ko naman na talo na ako. Sa unang kita ko sa kanya sa personal kahit malayo ay alam kung sobrang ganda niya.
Wala akong lakas na loob na magiging ganoon ako. Na laging nagpapaganda. I hate dresses and make up. Lalo na ang heels.
Napabuntong hininga ako at nag-iisip kung ano ang una kong gagawin. I want to focus myself pero ngayon, nawala na.
Masakit pa rin kasi na makitang masaya si Sancho sa piling ni Arandra. Napapaisip ako kung sumaya rin ba siya sa piling ko?
Ni hindi ko makitang ganoon kasigla at maaliwalas ang kanyang mukha, kung ganoon, hindi talaga siya masaya sa piling ko.
"Dadaan muna tayo sa kaibigan ko bukas ng umaga, Genesis. Kailangan ko muna siyang makausap." aniya. Tumango ako at ngumiti sa kanya. Kahit hindi siya ngumiti ay sapat na sa akin na nagsalita siya. Akala ko ay bukas na siya magsasalita.
❄ ❄ ❄MAAGA kaming gumising ni Sandro, ay, hindi pala, siya lang pala ang umagang gumising. Ang lakas pa nga ng katok ng pintong ginawa niya para lang daw gumising ako. Nahiya naman ako sa kanya. Tulog mantika kasi ako. Ni hindi ko kaagad narinig ang pagkatok ng pinto niya kanina.
"We should go to the supermarket to buy some stocks." aniya. Sa pagbigkas niya ng ganoon ay nasiyahan ako.
Parang gusto kong kumain ng mashmallows ngayon. Bibili talaga ako ng maraming mashmallows.
"Dalian mong kumain diyan. Mark is waiting for us." tumango ako at kaagad na uminom ng tubig at mabilis na lumakad papunta sa kwarto ko ngunit parang lumilindol ang akinh paningin.
"Genesis, are you okay?" takang tanong ni Sandro sa akin. Napahawak na pala ako sa headrest ng sofa.
"Nahihilo ako." sabi ko. At hindi talaga ako nagkukunwari dahil nahihilo talaga ako.
"Magpahinga ka muna. Ako na lang muna ang - -"
"N-No, sasama ako sa'yo. Please, give me some water." pagsusumamo ko sa kanya. Isang big client ang aming pupuntahan at hindi pwedeng hindi ako makakasama sa kanya.
"Pero namumutla ka. You should take a rest for awhile" aniya. Umiling ako sa kanya.
"No, sasama ako. Magiging okay ako. Huwag kang mag-alala." sabi ko.
"Siguro pagod lang ako." tugon ko pa sa kanya. Tumango siya at binigyan na niya ako ng maliligamgam na tubig.
"Huwag kang magdalawang isip na sabihin kaagad mamaya na masama ang pakiramdam mo, Genesis." aniya. Sobrang bait niya talaga. I wonder why did Ara left him.
"Come on." aniya. Tumango ako at ngumiti saka sumama sa kanya palabas ng apartment.
Namangha ako sa lugar sa pagkalabas namin ni Sandro. Grabe, ang ganda talaga ng Greece. Hindi ko akalain na makakapunta ako rito.I suddenly felt someone holding my hand. Napatingin ako sa aking kamay at nagulat nang makita ko si Sandro na hinahawakan ang kamay ko.
"Namumutla ka pa rin. Baka kung mapaano ka sa daan." aniya. Nahiya naman ako sa kanyang sinabi. Parang pabigat ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
KS#2: Three Pieces (COMPLETED)✔
Romans•WATTYS 2018 LONGLIST• Tatlong piraso. Tatlong hiling. Tatlong bagay na kailanman ay hindi magkakatugma. Genesis Joy Suarez is a woman wants to be have a normal life. Be herself is very the hardest task in her entire life. But one summer, nakilala n...