KABANATA XX
Hindi ako nakatulog nang maayos kagabi pero pinapasigla ko ang aking sarili para sa aking anak. Mahal na mahal ko si Brews. Lahat itataya ko sa kanya. Lahat gagawin ko kahit tatakasan ako ng buhay. Dahil parang kulang na ang mundo ko kapag wala siya. Siya na lang ang regalo sa akin ng kanyang ama.
Pinaghanda ko na naman ng raisin bread at gatas si Brews. Pero mamaya ay ipaghahanda ko siya ng tinulang gulay. Para naman hindi sasama ang kanyang katawan sa kakakain ng raisin bread.
"Nak, kumain ka na. Para maging big na ang baby ko," natatawa kong pahayag ngunit sumeryoso siya. Bigla ay napahinto ako.
"Bakit Brews? May problema ba?" tanong ko sa kanya. Nasa kama lang siya't nakaupo. Agad akong lumapit sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. Nanghina ako at nataranta. Kaagad na bumilis ang tibok ng puso ko.
Kapag ganito kainit ang kanyang kamay ay mas lalo na ang kanyang katawan. Mabilis kong hinawakan ang leeg niya at nasapo ko ang aking nuo nang mas mainit pa iyon kaysa kamay nito.
"Diyan ka lanh baby, hahanap si mama ng gamot - -" pero hindi ko pa nga inalis ang kamay ko sa kanyang leeg nang bigla siyang pumikit at napahiga sa kama. Agad kong sinalo si Brews.
"Nak, Brews! Baby! Wake up!" pero hindi siya gumising. Dali-dali akong tumayo at binuhat siya. Wala akong pakialam kung gaano siya kabigat. Ang importante sa akin ay madala siya sa Hospital.
"Someone help me! My child is burning with fever!" natataranta kong sigaw sa lobby. Nakita naman ako ng waiter kahapon kaya dali-dali siyang lumapit sa akin at siya na ang nagdala kay Brews.
Agad kong pinindot ang tawag kay Seth. I need him right now. Nasa ibang lugar si Daryl ngayon. Busy palagi si Ysmael at kahit na si Hunter at Rhiel. Ayaw ko ring tawagan si Stef dahil nahihiya ako. Kaya wala kong choice kundk ay si Seth ang tatawagan ko.
Unang ring ay hindi siya sumagot. Laging cannot be reach. Nanghihina akong sumunod sa waiter kahapon. I took a deep breath and made myself to relax but my entire system wanted to burst out.
Sumakay kami ng taxi at pumunta kami sa malapit na hospital. Nagmamadaling nagdrive ang lalaki. Kinakabahan ako sa aking anak. Hindi pa siya nagkaroon ng ganitong lagnat. Na halos mapaso na ako.
"Ma'am malapit na po tayo. Ako na po ang magdadala ng anak ninyo." aniya.
"Salamat," wika ko. He just nodded his head. Gumalaw si Brews ngunit lalo akong kinabahan sa kanyang sinabi.
"Ma, maginaw. Kuha ka ng kumot sa akin." aniya. Natigilan ako. Ni wala akong dalang gamit at pera. Dahil sa pagkataranta ko.
"Ma'am ito na lang pong jacket ko ang gamitin mo at ako na po ang magbabayad. Mukhang wala po kayong dala." aniya. Tipid akong ngumiti sa kanya.
"Pati pagsuot ng tsinelas ay nakalimutan niyo." napatanto ko ang kanyang sinabi na wala akong suot ng pares na tsinelas. Siguro sa kaba at takot ko kaya agad akong nagmamadaling sumugod sa labas.
"Huwag po kayong mag-alala. Mukhang tinawagan na po si Ma'am Daryl Casta kanina." ngumiti ako ng konti sa kanya at tumango. He's a good guy. Sana bigyan siya ng Diyos ng maraming grasya.
Nang makarating kami ay agad niyang dinala si Brews sa loob ng emergency room. Nilagay kaagad si Brews sa kamang may gulong para ihatid sa isang silid. Sobra ang kaba ko.
Papasok sana ako sa silid nang hinarangan ako ng mga nurse. Nanghina at nanlambot ang mga tuhod ko. Tumunog ang cellphone ko at agad ko namang sinagot iyon kahit hindi ko alam kung sino ang tumatawag.
"Yes?" hikbi kong sagot. Narinig ko ang background na may tugtog.
"Genesis, nasaan ka? Bakit ka tumawag?" nalaman ko na si Seth pala ang tumawag. Mas lalo ako naging emosyonal.
BINABASA MO ANG
KS#2: Three Pieces (COMPLETED)✔
Romance•WATTYS 2018 LONGLIST• Tatlong piraso. Tatlong hiling. Tatlong bagay na kailanman ay hindi magkakatugma. Genesis Joy Suarez is a woman wants to be have a normal life. Be herself is very the hardest task in her entire life. But one summer, nakilala n...