KABANATA XXV

786 19 4
                                    

"Masarap magmahal kapag hindi iniwan."

KABANATA XXV


PAGKAUWI namin ay nadatnan naming dalawa ni Sancho na naglalambingin ang mga magulang ako. Nakakapagtataka dahil hindi naman sila ganyan ka sweet.

"Ma, gutom ako." ani Brews. Tumango ako at hinalikan sa pisngi si Brews. Lumapit ako sa kinaroroonan nila mama at papa.

"Ma, kakain na tayo." wika ko. Tumigil kaagad sila at laking gulat ko ng magsalita si papa.

"Bitin ako mahal," aniya.

"Papa!" inis kong sabi sa kanya. Tumawa lang si mama. I rolled my eyes.

"Ewan ko sa'yo, Joy. Sige na, maghahanda na ang mama mo." iniwan ko naman sila. Lumakad ako patungo kay Sancho na ngayon ay pinaupo na niya si Brews sa silya.

Tinulunan ko naman si mama sa mga kubyertos. Umupo ako ng matapos naming ihanda ni mama ang ulam. Nakakatakam talaga kapag ganito ang ulam namin.

"Nak, ipakita mo mamaya kay Sancho ang dala mong album ni Brews. Para naman alam niya kung ano ang mukha ni Brews noong bata pa." ani mama. Dahan-dahan akong tumango.

"Sya nga pala hijo. Ikamusta mo ako sa papa mo. Mukhang bukas ay aalis ako at pupuntang Bukidnon." ani papa. Tumikhim si Sancho.

"Opo. Pero wala si papa sa mansyon. Nasa Cebu po siya ngayon." sabi ni Sancho.

Naalala ko naman kung gaano kalaku ang bahay nila Sancho. Napailing ako. Hindi naman kasi iyon bahay! Mansyon iyon! Hays, minsan bobo ko rin e.

"Kung ganoon, isama mo na ang mag-ina mo sa Bukidnon. Para naman makilala na nila si Brews." ani mama. Napalingon ako kay mama. Laking gulat ko nang umaakto siyang busy sa pagkain.

Teka lang! Inaisahan ba nila ako? Kung ganoon hindi ako manhid para hindi ko maramdaman!

"Kumain ka na, Joy. Nanlalamig na ang kanin mo. Sana naman huwag lumamig ang pag-ibig mo." aniya. Tumawa naman si mama kay papa.

"Papa," inis kong saad sa kanya. Tumawa lang si papa. Umirap na lamang ako at noong tumingin ako sa gawi ni Sancho ay halos mabilaukan naman ako.

"Mama," agad kong nilingon si Brews. Nakasandal na siya sa akin. Bigla ay binuhat siya ni Sancho. Alam kong pagod na pagod ang anak ko kaya gusto na atang matulog.

"Sige na, ipatulog mo na, Joy." ani papa. Ngumiti naman si mama. Tumayo ako at sinabihan ko si Sancho na sumama sa akin.

Nabigla ako nang nilagay ni Sancho sa kama si Brews nang dahan-dahan at agad niyang hinubad ang kanyang white polo shirt. Napaiwas naman ako ng tingin. Walanghiya!

"Can I sleep here?" aniya. Hindi ko alam kung sasagot ba ako ng oo o hindi! Pero wala akong nagawa nang tumabi siya kay Brews.

Nagulat ako nang hindi na humingi si Brews ng gatas.  At mas nagulat ako nang sumiksik si Brews sa kanyang ama.

Agad namang kumanta si Sancho. Ganoon na naman ang kinanta niya. Minsan gusto kong isipin kung ano ba kami ni Sancho noon, noong mga bata pa kami. Kung paano kamk maglaro. Hanggang ngayon kasi wala pa rin akong naalala. Siguro limot ko na iyon. Hindi na iyon babalik pa sa dati.

Matapos makatulog si Brews ay nagsalita si Sancho. Nagulat ako syempre at hindi ko maipagkaila na iba talaga ang impact niya sa akin.

"Can you come with me? Of course with Brews. I wanna introduce you and Brews to my family." aniya.

Sa kanyang pagyaya ay may masakit sa isipan ko ang dumaan. Ni minsan kasi hindi niya ako sinasama kapag uuwi siya ng Bukidnon. Malalamn ko lang sa secretary niya na umuwi siya. Doon ko lang malalaman.

KS#2: Three Pieces (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon