KABANATA XXIV

816 15 2
                                    

"Unbreak my heart, undo this hurt and uncry these tears."

KABANATA XXIV

I was just looking straight through his eyes. Naalala ko kapag kinakausap niya ako kahit anong topic, alam kong sincere siya pero ngayon, hindi ko alam kung totoo ba ang pinagsasabi niya sa akin. Para bang nakalimutan ko ng magtiwala sa kanya.

Umakma siyang lalapit sa akin nang umatras ako. Agad naman siyang napaurong. He took a deep breath.

"I wanna talk to you," aniya. Napayuko ako.

Sa totoo lang. Hindi ko pa kayang makipag-usap sa kanya. Hindi ko pa kayang makikita siya ngayon.

"All of these are just misunderstanding, babe. Please, hear me out," aniya.

Tinitigan ko siya. Kung ang sinabi sa akin ni mama na kausapin ko siya para malaman ko ang side niya. Para malinawagan na ako. Pero bakit tutol ang isipan ko? Bakit excited naman ang puso ko?

Bakit ba litong-lito ako? Dahil ba sa mahal na mahal ko siya? Gusto kong bigyan siya ng ikalawang pagkakataon. Pero sa ngayon ay ayaw ko munang makipag-usap sa kanya.

"Please, wife. Please I'm begging you," aniya. Tumulo ang mga luha ko.

Bakit ngayon pa Sancho? Bakit ngayon mo pa ako sinabihan na wife?
Ni hindi ko naramdaman iyan noon. Ni hindi ko alam kung asawa mo ba ako.

"Bakit pakiramdam ko parang may kulang?" wala sa sarili kong tanong. Bigla ay tumingin siya sa akin. Iniwas ko ang aking paningin sa kanya.

"I - - I will not promise but I'm starting right now to make it up. Please, give me a second chance." aniya. Napangiti ako ng tipid.

"Bakit ngayon pa?" nakatitig ako kay Brews. Nasasaktan ako sa aking tanong. Oo nga, bakit ngayon pa? Ilang taon kong hinintay na puntahan niya ako sa Greece. Mayaman naman siya ah.

Pero bakit ngayon pa? Nagtitipid ba siya? O talagang wala siyang pakialam?

O baka naman acting niya lang lahat ng ito at pati mga magulang ko nauto niya. Wow. Ang galing niya talagang lokohin ang mga tao.

Siguro, niloko rin ng kanyang lolo Hades ang Lola Genevieve ko. Kaya baliw na baliw si Lola at nagtangkang magpakamatay. Para sa pag-ibig na sobrang masakit.

He took a deep breath. He glanced at Brews. Saka siya bumalik sa akin.

"I was crazy looking for you last two years ago," aniya. Bigla ay napalingon ako sa kanya. Nakatingin na siya sa pinto.

"That was my last straw. I then stopped finding you when I heard you  were with Alesandro but when my old friend knew that you two are both cousins, that's when I found myself finding you again and again." napalunok siya. Umiwas ako ng tingin.

Pinipigilan kong huwag na makinig sa kanya. Sinungaling siya! Marami na siyang ginawa sa akin na alam kong totoo ang lahat ng iyon!

He even texted me that I was invited in his engagement party! Ni hindi ko iyon nakalimutan!

"I lost my phone when you left me. I didn't care about it. I just wanted to find you. And when Arandra came in the Philippines - - I was so rude when she's around. I just miss you so much." aniya.

"Please stop." wika ko. Pero umiling siya.

"You have to know about - -"

"Even you are telling me the truth right now, I'm sorry I don't know if I'm going to listen and trust again. You broke me, Sancho. Many times. I lost count. I don't know what to do with you anymore." sabi ko. Natigilan siya. Agad siyang umiwas ng tingin ay nakita ko kung paano gumalaw ang kanyang bibig at panga.

KS#2: Three Pieces (COMPLETED)✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon