Chapter 17

400K 17K 9.1K
                                    


#ABNQ17 Chapter 17

Agad na nanlaki iyong mga mata ko, at kinuha iyong phone ko. Hindi ko alam kung bakit parang sobrang defensive ko? Bakit naman kasi sobrang wrong timing nitong si Marcus sa mga jokes niya! At saka halos alas-dose na, tapos magsesend siya ng joke?! Napaka-weird din nung isang 'yun, e!

"Marcus?" Psalm asked, his forehead creased.

I smiled awkwardly. "Uhh... oo, friend ko."

I wasn't exactly lying... I think. Siguro naman friends na kami ni Marcus kasi napapatawa niya naman ako kahit sobrang corny ng jokes niya minsan. Iyon nga lang hindi pa kami nagkikita, at wala naman akong balak makipagkita sa kanya in the near future. But still, feeling ko medyo kilala ko na siya... which was weird.

"From school?"

"Yes," mabilis kong sagot na mabilis ko ring pinagsisihan. Fudge! Nalimutan ko na Mr. Friendly nga pala 'tong si Psalm! Malamang baka kilala niya rin! E kilala nga ni Kitty, e! What were the chances na kilala rin siya ni Psalm?

I quickly tossed my phone inside the pocket of my jacket. Naupo na rin ako, at saka kinuha iyong menu. I guess I should just pretend that this wasn't a big deal kasi hindi naman talaga big deal. It's just Marcus... na wala akong balak makita in person.

"Umorder ka na ba?" I asked.

Naka-kunot pa rin iyong noo niya. "Last name?"

"Bulalo as usual?" I asked.

"Marcus?" tanong niya na parang hinihintay ako na magsupply ng last name.

I narrowed my eyes at him. "It's just Marcus. Walang last name. Parang si Pink..." I said in an attempt to make him laugh—or at least make him smile, but to no avail since serious pa rin siya. "Wala lang 'yun, baka may tinatanong lang or what."

"He texts you this late at night?"

I shrugged. "Minsan..."

Gosh, ano na ba 'tong pinagsasabi ko?! I felt like I was starting to get in so deep, baka mamaya kung anu-ano na ang masabi ko!

"Order na tayo," I urged. Sana malimutan niya na 'yung pangalan ni Marcus! Baka mamaya sabihin niya pa 'dun sa dalawang epal, tapos tatlo na naman siya na mambu-bwisit sa 'kin. Sobrang epal pa naman ni Matt at Simon minsan. Mamaya magulat na lang ako hanapin nila lahat ng Marcus sa school para lang ma-satisfy iyong curiosity nila, e!

While waiting for the food, nagCR muna ako ulit dahil ewan ko ba natetensyon ako rito kay Psalm. Pagbalik ko, nanlaki ang mga mata ko nung makita ko na nasa facebook group ng school namin si Psalm. He just freaking searched the name Marcus sa group!

Mabilis kong inagaw iyong phone niya.

"Hey!" sabi niya.

"Wag mo na kasing hanapin!" sigaw ko habang tinago sa likod ko iyong phone niya. "Friends lang naman kami!" sabi ko. Biglang tumayo si Psalm kaya kinabahan ako. Ang tangkad pa naman niya!

Nagsimula akong umatras dahil bigla talaga akong kinabahan. Nasa likod ko pa rin iyong phone niya. Sa sobrang kaba ko, bigla na lang akong napatakbo sa labas.

"Uy, tama na kasi!" I said dahil patuloy pa rin siya sa paglapit sa akin. He wasn't even running, but the fact that he was staring at me intently was enough to make my heart beat wildly inside my chest. Ano ba naman kasing pumasok sa isip ko para agawin iyong phone niya?! But more importantly, ano ba kasing pumasok sa isip niya para i-search pa talaga si Marcus sa school?!

Umatras ako.

Nang umatras.

Fuck.

"Stop ka na d'yan," I said when he was only a few feet from me. "Ibabalik ko na 'yung phone mo, pero 'wag ka nang lumapit," I begged dahil feeling ko sasabog na 'yung dibdib ko kapag lumapit pa rin siya sa 'kin. Bawat hakbang niya, feeling ko talaga may sasabog na sa dibdib ko.

Almost, But Not Quite (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon