Chapter 56

365K 14.1K 5.7K
                                    

#ABNQ56 Chapter 56

I stared at him, unable to believe what he just said, but at the same time, I knew where he was coming from. Galit siya. Alam ko. May karapatan siyang sabihin sa akin iyon. Alam ko. Ako 'yung dahilan kung bakit siya ganito. Alam ko. But still, a little part inside me wanted him to just be mad at me... Hindi iyong ganito na halos hindi ko na siya makilala.

Pain changes people... I guess this one's true.

The sad part was, I changed him for the worse.

"Bagay din kayo ni Kia," sabi ko habang naka-tingin sa mga mata niya. "Gaano na kayo katagal?"

His jaw clenched. It made me want to take a step back, but I didn't. I stayed, and looked into his eyes as he stared at me with such hatred.

"Two years," he replied.

Sinubukan kong ngumiti. "That's... good to hear," sagot ko sa kanya. Ni wala pa sa chorus iyong kanta, pero pakiramdam ko ay masasakal na ako sa mga nangyayari.

"Really?" tanong niya na parang nang-aasar.

Tumango ako. "Yeah, of course. I'm happy that you're happy," sabi ko sa kanya. Bigla kong naramdaman ang paghigpit ng hawak niya sa akin. Bigla akong nakaramdam ng takot sa paraan ng pagtingin niya.

"I find it hard to believe that," he said. "After all the bullshit that you put me through, I find it hard to believe that you want me to be ever happy, Dra. Yuchengco," sabi niya nang may pang-uuyam. As if me being a doctor was the worst thing that could ever happen to him. 

Gustuhin ko mang iiwas ang tingin ko ay hindi ko magawa. Nandito siya sa harapan ko. Ni hindi niya magawang ialis ang tingin sa akin.

"Psalm, please—"

"Please what?" he cut me off. "Please forgive you? Please forget what you did? Please—"

I couldn't listen to him say another word. Pakiramdam ko ay sumisikip ang dibdib ko sa bawat segundo na nakikinig ako sa mga sinasabi niya.

So, I took a step back. Wala akong pakielam kung ano ang sasabihin ng iba. Hindi nila alam iyong nararamdaman ko. Hindi nila alam kung gaano kahirap para sa akin na tumayo sa harap ni Psalm, at makipag-usap sa kanya habang isa-isang bumabalik sa alaala ko iyong mga bagay na pilit kong nililimot.

"I... I gotta go," I barely whispered as I exited the dance floor. Diretso akong bumalik sa lamesa. Naka-tingin sa akin lahat ng mga kaibigan ko—lahat ng mga mata nila ay nagtatanong sa kung ano ang nangyari. Pero kahit na gusto ko mang sagutin iyon, hindi ko magawa.

Kasi nakaka-hiya.

Kasi wala na akong mukhang ihaharap sa kanila kapag nalaman nila.

"San ka pupunta?" tanong ni Matt.

"Uuwi," simple kong sagot. Akmang magsasalita pa sana siya nang unahan ko siya. "Today's been a long day for me. Naka-attend na ako ng kasal, naka-punta na ako sa reception. Please... I want to go home."

Alam kong rinig nila iyong pagmamakaawa sa boses ko. Hindi ko na gusto na magtagal pa ng kahit isang segundo sa lugar na 'to. Gusto ko na lang umalis, magpakalayo. Ayokong makita si Psalm dahil siya iyong palatandaan ng lahat ng maling desisyon ko sa buhay.

I just... I just couldn't look at him without hurting.

Nang wala akong marinig na pagtutol sa kanila, mabilis akong lumabas. Halos manginig ang mga kamay ko sa sobrang pagmamadali na makaalis sa lugar na 'to. Why did I even think for a second that seeing Psalm would be okay? That he'd treat me the same after everything that I'd put him through?

Almost, But Not Quite (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon