Chapter 47

325K 11.2K 3.4K
                                    


#ABNQ47 Chapter 47

Cooking really wasn't my strongest suit, but I wanted to make it up to Psalm. He's been so understanding for the past few days, so I wanted to be extra attentive to him ngayong bakasyon ko. I mean, if things go according to plan, I'd be starting med school in a couple of weeks. So, as much as possible, I wanted to spend all the time I could with him.

I prepared baked salmon and brown rice. Nilagyan ko rin ng veggies as side dish. Psalm's really into healthy eating, so I did research kung ano ba iyong mga pwede niyang kainin.

After I was done preparing his food, naghanda na ako para pumunta sa office niya. Sabi niya sa 'kin kagabi, nasa embassy lang naman siya ngayon. Pagdating ko sa embassy, ang daming security bago makapasok sa loob! Bakit ba hindi pa rin ako nasasanay? Dating a Gomez de Liaño means you have to pass through tons of security! Seriously. I kinda remembered nung naging friends kami nung first year. Literal na ininterview ako ng isa sa mga bodyguards niya. Kailangan pa pala ng clearance bago maging 'friends' ng mga GDL.

Agad akong napahinto nang makita ko iyong Papa ni Psalm. Hindi ako maka-galaw sa kinatatayuan ko. Hindi naman siya naka-tingin sa akin dahil may iba siyang kausap, pero grabe iyong kaba ko! Hindi pa kasi alam yata ng parents niya? Or ng buong family niya iyong sa amin? Ilang beses na kasi na ipapakilala dapat ako ni Psalm, pero palagi akong busy!

"Joey?" nagtatakang tanong niya nang makita niya ako.

I smiled awkwardly. "Hi, Uncle," I greeted. Psalm's dad is nice, but there's still this air around him that commands respect. I guess that's because GDL is a very political clan.

"It's nice to see you here," sabi niya.

I smiled again. Shit. Dapat pala nagsabi na lang ako kay Psalm na pupunta ako! But hindi na surprise kapag alam niya! Pero kahit na! Mas ayoko naman iyong ganitong tensed atmosphere kasama iyong tatay niya!

"Uh, yes po, Uncle," sagot ko habang may parang permanenteng ngiti sa mga labi ko. "Is Psalm here po?" I asked.

Lumingon si Uncle sa secretary niya na agad namang sumagot, at sinabi na may pinuntahan si Psalm. Apparently, my boyfriend's out with some Spanish dignitary.

"Do you mind waiting? I'm sure he'll be back soon," sabi ni Uncle.

I nodded. "Sure po," sabi ko. Naka-tayo lang ako sa harap ni Uncle, sobrang kinakabahan na ako dahil naka-tingin lang siya sa akin. Na parang may gusto siyang sabihin, pero iniisip niya pa kung sasabihin ba niya.

"Thank you," biglang sabi niya.

"Po?" nagtatakang tanong ko.

"Psalm never showed any interest in politics," sabi niya habang naka-ngiti. "Just last night, he asked about working here," pagpapatuloy ni Tito. Gusto ko pa sanang magtanong, pero biglang sinabi ng sekretarya niya na may kailangan pa siyang puntahan.

He's gonna work here? But he kept on telling me that he's always bored here! Na sobrang seryoso ng mga tao, at saka hindi niya kayang tagalan iyong politics dahil hindi niya alam kung sino iyong mga totoong tao sa mga gusto lang siyang kaibiganin dahil sa pamilya niya! Akala ko ba gusto niyang maging professional basketball player? Bakit biglang nagbago iyong isip niya?

* * *

Psalm didn't return that day. He was in Batangas for some reasons, and someone just told me na baka mamayang gabi pa siya makakabalik. Umuwi na lang ako, at saka pilit na kinain iyong niluto ko.

"Hi, Pa," bati ko nang makita ko si Papa.

"Early dinner?" tanong niya sa 'kin, tapos tinignan iyong pagkain ko. "Meron pa ba niyan?"

Almost, But Not Quite (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon