Chapter 40

385K 12.8K 2.7K
                                    

#ABNQ40 Chapter 40

"Kamusta exam?" Jax asked pagdating ko sa bahay. Kakatapos lang ng exam namin, at diretso akong umuwi sa bahay. Nauna akong matapos magsagot kaya dumiretso na rin ako sa bahay. Nagtext na lang ako kay Psalm na hindi ko siya mahihintay. Ayoko rin kasi na alam niya na nasa labas lang ako dahil alam ko bibilisan niya talaga magsagot.

I shrugged. "Okay naman," sabi ko. I studied well for the finals, but more importantly, I studied throughout the semester. Hindi iyong isang gabi lang na pinagkasya ko lahat ng information sa utak ko dahil kapag ganoon, malaki iyong tendency na ma-mental block ako.

Umakyat ako sa kwarto sandali para magbihis tapos pagbaba ko, naka-kunot iyong noo ni Jax.

"Chem, really?"

"Yeah... I'll just read this for two hours tops tapos balik na ulit ako sa finals," I said.

"Unahin mo finals mo, Joey," sabi niya.

"Okay na ako sa finals, Jax. Nag-aral na ako last week pa, and nag-aaral ako araw-araw. Nakikinig ako sa lectures ng professor, and I always do my required readings. Kailangan ko lang talaga magfocus dito sa NMAT because I don't want to fail this, okay?"

I knew he's beginning to get worried about me because I seemed so stressed lately... well, I was. Habang mas lumalapit iyong NMAT, parang naninikip iyong dibdib ko na hindi ko maintindihan. Halos hindi na rin ako makakain sa sobrang kaba. I felt so freaking nauseated that I wanted to vomit my guts out.

"Or you can just ask someone to tutor you kung hindi mo talaga maintindihan."

"I don't know anyone—"

"Then hire someone. There's no harm in asking for help. Lalo na kung nahihirapan ka d'yan sa binabasa mo. Stop torturing yourself."

Napaisip ako sa sinabi ni Jax. Alam ko naman na kung gusto ko, may pwede akong hingan ng tulong. But I didn't want to betray Psalm... because I knew that it'd feel like betrayal kapag nagpaturo ako kay Marcus after everything Psalm has done for me.

But this was my future.

My dream.

God, this was hard!

Pinikit ko sandali iyong mga mata ko, at saka huminga nang malalim. I needed to calm myself down because this wasn't the time to stress myself out even more. I still had five exams to take, and one exam to define the road I'd be treading in the next few years. It'd fine... sure.

"I'll read this one more time, and kapag malabo pa rin..." I whispered to myself. "Surely Psalm will understand," I continued.

I sat down, and read the book as thoroughly as I could. Inisa-isa ko iyong concepts na nahihirapan ako. Tama nga si Marcus dahil iyong mga nahihirapan ako na concepts, mas naintindihan ko sa binigay niyang libro. Mas concise kasi at mas maganda iyong mga examples na ginamit doon sa binigay niya... and may mga naka-dikit na post its sa gilid na may mga additional notes tungkol sa mga subtopics.

After two hours, kumain muna ako ng sandwich bago ako nagsimulang mag-aral para sa finals. Nagreply lang ako kay Psalm nung nagtext pala siya kanina na nasa bahay na rin daw siya.

"Have you eaten yet?" he asked. Naka-facetime kaming dalawa.

Hinila ko iyong platito na may sandwich sa harap ng laptop, at saka pin-kita sa kanya. "Ito na po," sabi ko sabay kuha sa sandwich.

"That's your dinner?" naka-kunot iyong noo na sabi niya.

I nodded, then took a bite. "Yeah... 'Di ako gutom," sabi ko. Gusto ko lang magka-laman iyong tiyan ko. Ayoko nga talagang kumain kasi parang nasusuka ako, pero papagalitan ako ni Jax and Psalm kapag 'di ako kumain.

Almost, But Not Quite (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon