Chapter 42

359K 13.2K 3.7K
                                    

#ABNQ42 Chapter 42

I texted Kitty. To text Marcus. Bago ko pa man mabasa iyong reply ni Kitty, parang ramdam ko na na maraming kasama iyon na roll-eyes emoji.

Kitty:

What time daw? And sa bahay niyo ba talaga?

Me:

If okay lang maaga mga 8am. And yes, nandito naman sila Manang. And... ano di ba tutor ko siya? Magkano ba binabayad dun?

Hindi na nagreply pa si Kitty. Hindi ko na rin hinintay kasi dalawa lang naman ang mode ni Kitty—either magrereply agad or mamumuti na iyong mata ko kakahintay sa reply niya. Instead, nagsagot na lang ako ng practice exercise sa quantitative part ng NMAT. Bukas na lang iyong sa Science kay Marcus.

Paggising ko kinabukasan, halos mahulog ako sa hagdan nang makita ko na magkausap si Papa at Marcus! At dahil muntik na nga akong mahulog sa hagdan, naagaw ko iyong atensyon nilang dalawa.

"Good morning," bati ni Papa sa akin.

I smiled, and steadied myself. "Morning, Pa..." sabi ko sabay baling kay Marcus. "Good morning," I greeted with a confused look on my face. Naiwan ko iyong phone ko sa kwarto kaya hindi ko alam kung ano'ng oras na, but most definitely, sigurado ako na wala pang 8am!

"Maghihintay sana ako sa labas, kaya lang nakita ako ng Papa mo," sabi ni Marcus sa akin kahit na wala naman akong tinatanong sa kanya. Napa-tingin ako kay Papa na may binabasa naman ngayon sa phone niya.

"Nakita ko nung naglalakad ako sa labas kaya pinapasok ko na," Papa said, then stood up. "Alis muna ako," Papa said.

Napailing na lang ako. Paano kung gangster pala si Marcus tapos pinapasok na lang bigla ni Papa sa bahay namin? Minsan talaga masyadong trusting si Papa—kabaliktaran ni Mama na walang tiwala sa lahat ng tao.

"Turuan mong mabuti ang anak ko," sabi niya nang naka-ngiti kay Marcus. Marcus smiled back at my father. Ako, naka-kunot lang iyong noo ko dahil kung mag-usap silang dalawa e akala mo nakapagbonding na sila nang todo.

Nang makaalis si Papa, tinignan ko si Marcus. Hindi ko alam kung paano ba ako tumingin sa kanya dahil bigla na lang napatayo si Marcus sa kinauupuan niya. Like I was a teacher, and he was a student who I caught cheating. Masyado siyang tensed kapag nakikita ako.

"Uh... Sige, tapusin mo muna 'yung breakfast mo," I said, as I noticed that he was eating breakfast with Papa before I interrupted. I was kind of jealous na naka-sabay niyang kumain si Papa kasi lately, hindi ko na nakikita si Papa. He's almost living in the hospital...

Tsk. Naalala ko na naman tuloy iyong pinag-usapan namin ni Psalm. About how busy I'll get. About how less time I'll be able to give him. I hated, but it's true. Totoo naman na kapag nagsimula na akong magmed school, magiging busy ako. Magkakaroon ako ng ibang mundo, but he should know that wherever I may wind up, I'd always want to come back to him.

Umiling si Marcus. "No, tapos na ko," he said, tapos may kinuha siya sa bag niya. Lumapit siya sa 'kin tapos may inabot siya na mga reviewer. "Kain ka munang breakfast tapos simula na tayo."

I nodded tapos naupo kaming dalawa. Tinitignan ko iyong mga binigay niya sa akin nang mapansin ko na hindi siya kumakain. Binaba ko iyong mga papel, tapos tinignan siya.

"Kain ka muna," I said.

He nodded. "Hindi ka kakain?"

I shook my head. "Hindi pa ko gutom," I replied. He still wasn't eating. "Kinakabahan kasi ako sa NMAT kaya hindi ako makakain masyado," I explained kasi baka isipin niya na ayaw ko siyang kasabay kaya hindi ako kumakain. I just didn't want him to be more tensed around me than he already was.

Almost, But Not Quite (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon