Chapter 19

399K 15.2K 4.3K
                                    

#ABNQ19 Chapter 19

I was awfully bothered because of what I said to Psalm. Although in my defense, sobra naman na kasi sila. Yes, I know na protective sila sa amin nila Kitty kasi parang kapatid na iyong turing nila sa 'min, but at some point, dapat pagkatiwalaan din naman nila kami. Besides, I see nothing wrong with my friendship with Marcus.

Sabihin ko na kaya sa kanila na never pa naman kami nagkita, at wala rin naman akong balak na makipagkita? Para hindi na nila ako kulitin? Para wala ng problema?

Ugh! Instead na nagcoconcentrate ako sa pag-aaral and pagrereview for NMAT, kung anu-ano pa tuloy ang pumasok sa isip ko.

"May problem ka?" Kitty asked pagpasok ko sa school the next day. I was really bothered dahil ang sama sa pakiramdam na sinabihan ko ng ganon si Psalm. Gusto ko sanang magsorry, but I was too chicken to do it. Every time hawak ko na iyong phone ko, I always ended up erasing everything I typed.

I shook my head. "Busy ka later?" I asked.

"Hindi naman. Why?"

"Movie tayo?"

"Okay," she said. "Text ko lang sila Simon," sabi niya.

Papunta kaming dalawa sa lib since gusto niya raw akong samahan mag-aral. Kakatapos lang ng class namin. Nandun na si Psalm, pero hindi ako pinapansin... not that I could blame him because I knew myself that I was a bitch yesterday. So, I concocted this idea of going to the movie. At least 'dun, group kami. At least 'dun, mapipilitan siya na kausapin ako.

After we arrived at the library, naupo na ako since na-borrow ko na naman iyong books na gagamitin ko. Kitty brought out her laptop since may gagawin daw siya na letter for SC.

"Chemistry?" nagtataka na sabi niya nung nilabas ko iyong book.

I nodded. "Yeah... Baka magNMAT ako," I said.

"OMG! Magmemed ka?"

I nodded again. "Parang gusto ko, but not sure pa. 'Wag mong sasabihin kahit kanino, ha? Baka bumagsak ako, e," sabi ko. Also, I just didn't want anybody pressuring me. Hindi pa rin kasi ako sure kung gusto kong magtake ng Medicine. Base kasi sa nakikita ko kay Papa, masaya naman siya sa ginagawa niya, but he's always so busy. Literal na minsan, may isang linggo na hindi ko siya nakita. But he says it's very fulfilling, so I was still conflicted.

Kitty acted like she's zipping her mouth right after. Tumahimik na kaming dalawa habang nag-aaral ako, at siya naman gumagawa ng proposal letter para sa SC.

After a while, I groaned and lightly hit my head against the book.

"Bakit?" Kitty asked, removing her earphones.

"Nalilito ako sa binabasa ko," I said. I knew I was rusty since high school pa iyong last na aral ko ng Chemistry. Naiintindihan ko naman siya, pero may mga parts na nalilito talaga ako!

Kitty began to wiggle her eyebrows. Kumunot ang noo ko. "What?"

"May kilala kang Chemical Engineering student..." she said, her voice laced with so much malice.

I eyed her. "No way," mabilis na sabi ko. Iyon na nga na hindi ko pa siya physically nakikita, na-stress na ako, paano pa kaya kapag may physical manifestation na siya sa buhay ko? E 'di mas lalo akong na-stress?

"Why not? Running for Magna kaya 'yun!"

"Bakit hindi Summa?"

"Secret," Kitty said, with this sly look on her face. "Ask mo na lang siya why kung magkikita kayo."

Almost, But Not Quite (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon