Chapter 38

434K 18.6K 7.9K
                                    


#ABNQ38 Chapter 38

End of the school year was looming. Ramdam na ramdam ko na iyong pagka-agit nung mga students. Pati ako na normally chill lang sa mga bagay, nape-pressure na rin. I mean, feel ko naman sigurado na iyong graduation ko kasi complete units and requirements naman ako, pero sobrang palpable ng stress nung iba kaya nadadamay na rin ako.

Plus NMAT was really near. So near I could almost breathe it. Okay na ako halos sa lahat ng subjects, pero meron pa rin akong subjects na medyo hindi ako sure. No room for mistake kasi sa NMAT. Kapag hindi maganda iyong nakuha kong grade, hindi ako makaka-pasok sa gusto kong school. I mean, okay naman sa ibang school, pero may gusto talaga akong pasukan.

"Member ka na rin?" tatawa-tawa na sabi ni Matt pagkakita niya sa akin sa gym. Lately kasi, nandito na rin ako madalas. It's either nandito ako, or kasama ko si Psalm sa library. Basta gusto lang ni Psalm kadikit ko siya lagi. It's weird, but it's the nice kind of weird. I mean, who would've thought na ganito si Psalm? Clingy pala.

I mimicked his laugh. "E bakit nandito ka rin? Tanggal na kayo, 'di ba?" biro ko sa kanila kasi kagabi iyong turn over ceremony nila sa basketball. Si Austin na iyong official captain. Akala ko nga iiyak si Psalm, e. Sobrang pinaghirapan niya kaya na makapasok sa team! Nung nag-aral kasi siya sa SCA, wala pa namang GDL Bros kung tawagin. Siya kasi iyong pinaka-una kaya siya iyong pinaka-nahirapan.

Sinamaan ako ng tingin ni Matt tapos naupo siya sa tabi ko. "Si Kitty?" he asked.

"Council," tipid at mahina na sagot ko kasi ayoko na marinig ni Psalm. I mean, there's nothing there, but that didn't mean na wala rin kay Psalm. It's his sore spot, and I was trying to be as gentle as I could. Ako rin kasi hindi ako natutuwa kapag binabanggit niya si Kia. Alam ko naman na walang something sa kanila, but I still didn't like it. Kaya I was trying my best to extend the same courtesy to Psalm.

"Anj?" he asked.

I shrugged. "May pupuntahan daw, e," I simply replied. I didn't bother ask Anj kung saan siya pupunta. Basta kuntento na ako na sinasabi niya sa akin na aalis siya, hindi iyong bigla na lang siyang nawawala.

"Science pa rin 'yan?" Matt asked, looking at what I was reading.

I nodded. "Yeah... Exam ko na sa weekend," I replied.

"Hassle naman. Finals na next week."

"Yeah... Tapos may mga 'di pa ako naiintindihan," sagot ko habang si Psalm, nagpupush-up naman ngayon. Sa totoo lang, 'di ko alam kung bakit nandito kaming dalawa sa gym. Wala naman kasi silang training kasi una, kakatapos lang ng championship. Pangalawa, finals na. Rule na sa school na kapag exam week, halt lahat ng practice ng mga varsity. Kasi first and foremost, acads ang priority dapat.

"Paturo ka kay Tito," Simon said. Naupo na rin siya sa tabi ko kaya nasa gitna ako ni Simon and Matt. Si Steele naman, nakaupo sa mas mababang bleacher habang ka-text yata si Andrea. Parang tanga minsan si Steele kasi minsan nahuhuli ko na naka-tingin lang sa picture ni Andrea sa phone niya.

"Busy," sagot ko. May sched si Papa ng opera tapos medyo risky iyong patient kaya halos 'di na siya umuuwi sa bahay. 'Di ko na nga maalala kung kailan ko huling nakita si Papa, e. Buti na lang talaga equally workaholic din si Mama kaya 'di sila nag-aaway kahit ganito na 'di na talaga sila nagkikita minsan. Although sabi naman sa 'kin ni Jax, 'di lang sinasabi ni Mama pero kapag ganito na busy sa operations si Papa, sa hospital din naka-tambay si Mama.

Yuck. Nakaka-suka talaga kapag parents mo 'yung nagpapaka-sweet.

"Paturo ka 'dun sa ano—" sabi ni Matt tapos tinakpan ko agad iyong bibig niya. Nanlaki naman iyong mga mata niya tapos parang tinatanong na what.

Almost, But Not Quite (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon