Chapter 10

433K 15K 7K
                                    

#ABNQ10 Chapter 10

Marcus Isaiah Nicolas: Hi

Ilang beses ko ng nabasa iyong message niya, but for some reasons, I couldn't find it in myself to reply. One, I just got out from a rather messy relationship, and I was yet to finally be able to say that I was fully recovered. Two, hindi ko siya kilala... Although paano ko siya makikilala if hindi ko siya kakausapin?

Huh.

Why was I thinking too much dahil lang sa simpleng hi?

"Joey!" masayang sigaw ni Kitty nung makita niya ako. I was sitting alone, contemplating on life and whatnots, when she spotted me. I quickly waved at her hanggang sa maupo na siya sa tabi ko. "Busy?"

I shook my head. "Nope, hinihintay ko na lang si Manong. Why?"

"May game daw later sila Psalm sa Brent. Wanna join?"

"Mamaya?" tanong ko. Maaga kasing uuwi sila Mama kaya gusto ko sana umuwi rin nang maaga para sabay-sabay kaming magdinner. Sobrang once in a blue mood lang kasi kaming nakakakain ng sabay-sabay.

She nodded. "Sige na, please? Alam mo naman na 'di na natin nakikita sila Simon lately..." sabi niya na nangungonsensya.

"Busy kasi sila sa basketball," I stated, which was true. High regards kasi ng school ang athletics lalo na ang basketball kaya na-pupullout talaga sa klase 'yung mga players. After practice naman, wala ng energy 'yung mga 'yun para sumama sa 'min. Gets naman namin since ganto naman lagi kapag first sem since game season.

"I know, and as their friends, we should cheer on them, don't you agree?"

I eyed her. "Hindi mo ako titigilan hanggang 'di ako pumapayag, no?"

She grinned. "You know it."

I groaned. "Fine, but hintayin muna natin si Manong, nabibigatan ako sa bag ko." She was looking at me shyly. "Yeah, kasama ni Manong si Jax, geez, Kitty, have some control," sabi ko na dahilan kaya hinampas niya ako.

"Si Anj?" nagawa kong tanungin pagkatapos pag-isipan nang matagal.

She shrugged. "She's fine naman, though she's still feeling really guilty dahil sa nagawa niya... or lack thereof."

I sighed. "Ako rin, e..."

She tapped the top of my head. "It's alright. Magiging ayos din kayo, promise. It's actually better na 'wag muna kayo mag-usap, so you can both think about things... You know? Consider stuff... At least when you're both ready to talk again, level-headed kayo both."

Napailing na lang ako sa lumalabas sa bibig niya. Sobrang halaga kasi kay Kitty ng friendship kasi kami na rin talaga family na tinuturing niya. How hard it must've been for her nung nasa gitna pa kami ng hindi pagkakaintindihan.

After that, we talked about the most random things hanggang sa dumating na si Manong. Pasimple pang sumilip si Kitty (todo effort since heavily tinted iyong sasakyan) kung nasa loob iyong true love daw niya.

"Wala si Jax pala," sabi ko. "Nasa school pa raw; overtime sa library."

She sighed. "Sipag talaga ni Jax..." sabi niya na parang siya hindi masipag, e halos siya na nga ang gumagawa ng lahat ng ginagawa sa council, e.

Dumiretso na kami sa Brent after mabigay ko kay Manong iyong gamit ko. Naglakad lang kami papunta doon since medyo malapit naman. May mga kasabay kaming naglalakad papunta sa school, and most of them were giddy girls.

"It's really weird, no?" Kitty said while sipping her drink.

"What?" I replied while I sipped mine.

Almost, But Not Quite (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon