Chapter 33

407K 18K 14.4K
                                    

#ABNQ33 Chapter 33

I was pretty sure my mouth was hanging widely by the stunt Kitty just pulled. Akala ko nasa isang sulok siya at nagmumukmok dahil sa ginawa ni Simon, but why did I ever forget how vindictive Kitty was? Of course she wouldn't let this pass without getting even. Typical of Catty Kitty.

And now, we're all staring at Marcus.

"Dun ka nga," Kitty said, pushing Marcus para maupo sa bakanteng upuan sa tabi ko. Na akala mo hindi president ng Student Council na kinabibilangan niya iyong lalaking tinutulak-tulak lang niya.

"What are you—" Simon said, but Kitty was quick to snap at him. Kahit hindi ako iyong tinitignan nang masama ni Kitty, nakaramdam ako ng takot sa kanya. She's really a force to reckon with.

"It's called returning the favor, Simon," she calmly, but scarily said. "You kept on preaching about tolerating? Ito, i-tolerate niyo," sabi niya bago itulak nang isang beses pa si Marcus hanggang wala nang magawa iyong tao hanggang sa maupo sa tabi ko.

Literal na napaawang na lang talaga iyong bibig ko sa mga nangyayari. I was so focused on what was happening, but it still didn't escape me how everyone in the cafeteria was staring at our table.

President ng Student Council at captain ng basketball team ay nasa iisang table. Of course people would look! Ano ba naman kasing naisip nitong si Kitty!

"Sabi ko sa 'yo, totoo 'yung chismis na may girlfriend na si President," narinig kong bulong—though ang lakas ng boses nila! "Ayaw mo pa kasing maniwala na may binuhat siyang babae nung isang gabi, e. May LQ pa nga yata sila nun 'di ba kasi umiiyak daw 'yung babae."

Nanlaki iyong mga mata ko. Bwisit na mga high school students 'yun! Nagawa pa kaming ichismis!

Dahil sa lakas ng boses nung dalawang babae, sure ako na narinig ng buong grupo iyong sinabi nila. And the guys were all staring at me like I just committed a horrible mistake!

I looked at Psalm, and I could see how tightly he was holding his phone. I could also see his Adam's apple bobbing up and down, and him controlling his breathing.

Oo nga pala. Kilala niya si Marcus. Mabuti naman alam niya iyong nararamdaman ko kapag nandyan si Kia. I didn't want to be petty, but still, there's this small voice inside me that was rejoicing that at least, Psalm knew how it felt to see the person you like with someone else.

Sucks, doesn't it?

"Alis na lang ako," Marcus said, standing up. At saka lang naputol iyong pagtingin ko kay Psalm nang marinig ko na magsalita si Marcus. He probably was feeling the tension because damn, it was too palpable not to be felt.

"Umupo ka," Kitty said. Agad na napaupo si Marcus. I wanted to laugh kasi ang laki-laking tao ni Marcus tapos president pa, pero tiklop kay Kitty. Little boss talaga 'yung kuting na 'yun!

"Sabi ko nga..." Marcus whispered as he took back his seat.

"Sorry," I whispered.

"Bakit ba ako nandito?" Marcus whispered back.

"Hindi ko rin alam, e."

Nagbubulungan kami ni Marcus. Our faces were few inches apart when we heard someone clearing their throat. Agad na napabalik iyong atensyon ko sa kanila nang mapansin ko na naka-tingin silang lahat sa amin ni Marcus.

"So, as I was saying, since ang kalakaran naman pala sa grupong ito e pwedeng magdala ng ibang tao, then isasama ko na si Marcus palagi. I expect that you guys will be in your best behavior dahil mabait naman si Marcus at wala naman siyang ginagawang masama," parang nagsesermon na sabi ni Kitty. I could see the confused face of the guys. Like they wanted to ask questions, but at the same time, 'di rin nila alam kung saan nagsisimula.

Almost, But Not Quite (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon