Chapter 4

593 9 1
                                    

Mahal ko asan ka na? Kay tagal kitang hinintay sa tagpuan natin. Ni isang bakas mo ay wala man lang akong nakita. Iniwan mo rin ba ako tulad ng iba?

Naririnig ko yung boses malapit sa dalampasigan. Pero di ko makita kung saan banda, nag e-echo ang mga boses.

Narinig ko yung tinig ng dalaga na kanina ay nagsasalita ngayon naman ay umiiyak. Naguguluhan ako ano bang nangyayari? Asan ba sina anastasia? At sina lola celeste.

Diba kaarawan niya ngayon? Bakit upuan at mesa na lang narito --- nasaan ba ang mga tao dito.

Anastasia?? Anasssstassiiiaaaa!!  Asan ba yung babaeng yun, kanina pa ko sigaw ng sigaw pero parang hindi ako naririnig. Malakas naman ang boses ko ah.

Pakiramdam ko naliligaw ako pero andito ako sa venue ng birthday ni lola celeste. Pero di ko makita yung farm at yung mismong mansion. Gubat na lang at malalaking puno at halaman ang nakatayo rito.
Ang gulo, baka maling party itong napuntahan ko.

Tatakbo na sana ko ng makita kong nasa dalampasigan na ako. Sa sea shore mismo.  Nababasa ng tubig alat ang mga daliri ng paa ko. Noong una ay mahina lang ang hampas nito hanggang lumakas ng lumakas ng lumakas.

Tangina ano bang nangyayari. Hindi ako nilubayan ng dagat parang kahit saan ako pumunta nandoon siya.

Ahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!!!
Bigla na lang ako nilamo ng tubig juskoporody hindi ako marunong lumangoy. Ano na kasing nangyayari jusko saan ko ba pwedeng ikalso itong baba ko para naman hindi ako madala ng alon.

Pakiramdam ko'y busog na ko sa tubig na naiinom ko. Parang aabot na ito sa baga ko hindi na ako makahinga. Kailangan kong umahon.

Pinipilit kong umahon pero parang hinahatak talaga ako pailalim, naiiyak na din ako dahil ang hapdi ng mga mata ko, HELLO TUBIG ALAT po ito. Hindi naman ako isda or sirena para di masaktan.

Ano ba bakit ayaw umahon ng katawan ko, nararamdaman kong nawawala na ang hininga ko. Teka lang ayoko munang mamatay bata pa ako.

Kumawala sa bibig ko ang madaming bula hudyat na wala na akong hininga pero naidilat ko ng bahagya ang mata ko kaso malabo naman sa paningin ko. Palalim ng palalim ang buo kong katawan . parang bato ang  katawan ko  nilalamon na ako nito pababa ng pababa.

May nakita akong lumalangoy papalapit sa akin. Hindi ko maaninag pero may buntot itong lalaki. Jusko ano ba ito hindi siya pangkarinawang tao may buntot siya. Parang malaking isda to e, sinagip niya ko at Kulay berde na makinang yung buntot niya. isa kaya itong -------

HOY BEBE ! BEBE! GISING KA , GUMISING KA !  Naramdaman kong nag iinit ang pisngi ko. Kaya naman napa dilat ako.

Whoaaah hah hah hah--  habol ko sa hininga ko.

Hoy ayos ka lang ? Ano bang nangyayari sayo huh? Kanina pa kita ginigising. Binabangungot ka ata.

Sven MermanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon